CHAPTER THE SEVENTH

Ferris Wheel

In Mga pasasalamat nang aking pusong nagagalak on Nobyembre 15, 2015 at 12:14 umaga

image

Day 319

Matapos ang ilang linggo nang agam agam ay nagsisimula nang mahawi ang madilim na ulap. Maayos na ang aking kalusugan. At sa wakas ay may dumating na din akong pondo. Salamat sa tulong nang aking kapatid. I am so thankful! Wala na akong masasabi pa. God is really great! Kapag taimtim ka talagang nanalangin at malinis ang iyong hangarin ay maririnig nang Panginoon ang iyong mga pagsusumamo at may mga pinadadala siyang mga tao sa iyong buhay na magiging dahilan upang gumaan ang krus na naka patong sa iyong mga balikat. May mga tao rin namang daraan, magpaparamdam, makikisimpatya, at kunwari ay may malasakit at handang tumulong ngunit palihim ka palang isusubsob, ipapahamak, at magpapaasa lang naman din pala. Ganun naman talaga siguro ang buhay! Mapagbiro! Hindi parating patas. Ngunit kung tayo ay mag titiwala at kakapit lang, lahat nang mga suliranin sa buhay, gaano man ito katindi, ay may solusyon din! Hindi rin naman parating nasa ibaba na lang tayo. Darating din ang panahon na ang siyang isinasaisantabi, inaapakan, nililinlang, ibinababa, at niyuyurakan ay maiaangat din! Umiikot ang mundo! Gumugulong ang buhay! Huwag masyadong mag alala kung sa kasalukuyan ikaw ay walang wala. Ngayon lang iyan! Isipin mo na lang na ang buhay ay parang Ferris Wheel! Kaya dapat ay relax lang. Magdasal. Magtiwala. Masaya ang buhay!

Page 517

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s