CHAPTER THE SEVENTH

Where there is doubt

In Mga hinagpis nang aking pusong nalulumbay on Nobyembre 18, 2015 at 12:18 umaga

image

Day 322

Pinipilit ko ngayong kumuha nang inspirasyon mula kay Ate na naglalako nang mirienda tuwing hapon. Hindi ko siya personal na kakilala. Ngunit halos araw araw ko siyang nakikita. Upang makapag hanap buhay at kumita nang kaunting pera ay walang pagod niyang nililibot ang buong kalsada dito sa Project 4, bitbit ang kanyang basket na puno nang paninda, at hindi alintana ang init o ang ulan man! Hanga ako sa kanya sapagkat, bukod sa lakas nang loob, sipag at tiyaga ay mukhang hindi rin siya nawawalan nang tiwala na miski na ano pa man ang mangyari ay makakabenta at makakaubos din siya nang kanyang nilalakong Maruya, Pansit, at Ginataan! Gusto ko siyang tularan! Lalo na ngayon at sinusubok muli ang aking pananalig! May hinihintay akong mensahe na mukhang natatagalan ang dating. Nag aalala na ako. Sabi naman sa akin ay mag hintay lamang. Kung tutuusin ay matagal pa naman ang simula. Ngunit hindi ko maiwasan ang mag duda. Baka may nangyari nang hindi inaasahan. Baka hindi mapunta sa akin. Baka mauwi sa wala ang aking paghihintay. Gusto ko ito. Kailangan ko ito. Ipinanalangin ko ito. Sana ay ipagkaluob na sa akin. Gusto kong mapanatag ngunit tila may mga naglalaro na negatibong ideya sa aking isip. Pilit akong tinatakot! Pinupuno ako nang duda! Ayoko! Ayoko magpatalo! Hindi ako dapat mag isip nang masama. Ako ay maghihintay.

Page 520

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s