CHAPTER THE SEVENTH

Where there is despair

In Mga hinagpis nang aking pusong nalulumbay on Nobyembre 19, 2015 at 12:25 umaga

image

Day 323

Hope! That’s the only thing that I am holding on to right now! Alam kong may pag asa. Hindi ako dapat masiraan nang loob. Magiging maayos din ang sitwasyon. God has never failed me. Alam ko na ang lahat ay magaganap sa tamang panahon. In his time! I don’t need to rush. I need to be patient. I need to wait. At upang ako naman ay malinawan at hindi nangangapa sa dilim ay nagpadala na ako nang mensahe sa kinauukulan. Walang tugon. Senyales na iyon para sa akin. Kailangan ko nang gumawa nang ibang paraan. Tama ang payo sa akin nang dati kong kapwa Guro. Dapat mayroon akong pagpipilian. Malungkot ngunit dapat kong tanggapin. Sa kabila nang kawalan ay hindi ko nakuhang magalit. Wala akong sinisisi. Baka hindi talaga ukol. Ipinahayag ko na rin ang aking pangangailangan at kagustuhan sa isang kaibigan. Ako daw ay kanyang tutulungan. Dumating muli ang taong aking kinagigiliwan. Inilahad ko sa kanya ang tunay na dahilan kung bakit hindi maaari. Naunawaan naman daw niya. Malayo layo na rin ang aking nararating. Ngunit hindi pa tapos ang paglalakbay. Maantala man ay makaka abot din ako sa aking destinasyon. Hindi man sa paraang inaasahan ay makakarating din ako sa aking paroroonan! Kung walang masakyan ay handa akong maglakad o gumapang! Gagawa ako nang paraan! May pag asa pa! Hindi ako susuko!

Page 521

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s