CHAPTER THE SEVENTH

Where there is injury

In Mga kabanata nang aking pusong natuto on Nobyembre 20, 2015 at 12:17 umaga

image

Day 324

Isa sa pinaka mahalagang aral na aking natutunan nitong taon na ito ay ang magpatawad. Matagal ko itong ipinagdasal. Mahirap ang naging proseso. Akala ko nga ay hindi ko na ito kailanman matututunan pa. Ngunit dumating din ang panahon. Hindi ko inaasahan. I learned how to forgive at a time when I decided to empty my heart with pain, hatred, and all that is negative. It made space for love and forgiveness! Nuong araw na napagtanto ko na handa na akong magpatawad ay ang parehong araw kung kailan tila gumaan ang dala dala kong bagahe sa aking puso. Hindi ko maipaliwanag ang eksaktong pakiramdam ngunit nakapagdudulot ito nang kakaibang saya at kapayapaan. Ngayong araw na ito, nais kong ipahayag na pinapatawad ko na ang lahat nang siyang kumutya sa aking mga kakulangan! Pinapatawad ko silang dumusta sa aking pagkatao! Pinapatawad ko silang mga taas kilay kung tumancha sa akin mula ulo hanggang paa! Pinapatawad ko na rin ang lahat nang siyang nanamantala sa aking mga kahinaan. Pagpapatawad din ang nais kong isukli sa lahat nang siyang nagpaasa sa akin. Silang mga ginawang katatawanan at laruan ang aking sitwasyon. Silang mga nangakong tutulong ngunit iniwan na lamang ako sa gitna nang laban. Pinapatawad ko na ang lahat nang siyang nakagawa sa akin nang hindi mabuti at nagdulot sa akin nang kapahamakan. Taus puso kong ipinagdarasal na nawa ay kalugudan sila nang Panginoon.

Page 522

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s