CHAPTER THE SEVENTH

No rush

In Mga awit nang aking pusong lubos na masaya on Nobyembre 22, 2015 at 12:26 umaga

image

Day 326

Nagpunta ako sa Eastwood Libis kahapon. May kinatagpo ako sa MDC Building. Mga dating katrabaho. Binili kasi nila ang lahat nang Collins Classics Books na ibinenta ko. Bago pa ako pumunta duon ay inabisuhan na ako nang dati kong Office Mate na although 10:00 AM ang labas niya ay baka madelay siya nang pagbaba sapagkat may posibilidad na magpa post shift meeting pa. Naalala ko naman iyon. But, as usual, an hour before 10 o’clock ay nasa meeting place na ako. So, I had to wait. But it was fine. Nagkaroon kasi ako nang panahon na mag muni muni. Bumalik sa aking ala ala ang isang kuwento nang pag ibig na nauwi sa isang masaklap na katapusan. Na realize ko na masakit pa rin pala. But I have to move on. Anyway, eventually ay nagkita din naman kami nang mga kausap ko at naging maayos naman ang aming transaction. Nagkuwentuhan at nagbalitaan din kami nang halos isang oras. Bandang huli, nakisabay na ako sa kanila pauwi sapagkat sa Cubao naman daw ang destinasyon nila. Naisip kong puntahan na ang lugar na siyang makakasagot sa mga katanungang wala pang kasagutan. Nang makarating ako sa nasabing lugar ay tinanggap naman ako nang maayos. Inilahad ko ang aking pakay. Naipaliwanag naman sa akin nang mabuti kung bakit wala pang tugon. Para akong nabunutan nang tinik. Naka hinga ako nang maluwag. Wala naman palang dahilan upang mag alala! Dapat pala ay mas nagtiwala at nagtiyaga ako. Masaya akong umalis at naglakad papuntang AliMall kung saan ako sasakay pauwi. Relax lang. Hindi ako nagmadali. No rush. Pati ang pagbaba sa escalator ay aking inenjoy.

Page 524

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s