CHAPTER THE SEVENTH

Ang aking puso

In Mga samut saring chika nang aking pusong naglilista on Nobyembre 23, 2015 at 2:45 umaga

image

Day 327

Nawiwili! Nawiwili ang aking puso sa batang aktor na si Simon Pineda na gumaganap sa karakter ni Onyok sa Ang Probinsiyano! Siya na ngayon ang aking Favorite Child Star! Paborito ko na rin sina James Reid at Nadine Lustre. So, it goes without saying na isa rin akong Otwolista. Nasasabik! Nasasabik ang aking puso sa presensiya nang siyang aking kinagigiliwan! Nais ko sana na siya ay makasama. Makatabi. Makausap. Ngunit siya ay nasa malayong lugar sa kasalukuyan. At dahil sa nabanggit ay lalo akong nasasabik sa kanyang mga ngiti. Ako ay naghahanap. Ako ay nangungulila. Ayokong magkasala. Nagagalak! Nagagalak ang aking puso sa mga biyayang aking natanggap! Hindi ko inasahan na ganito kabilis ang magiging tugon nang silang mga sa akin ay tumulong. Napaka buti nang Diyos. Alam niya ang aking mga pangangailangan. Ibinigay niya ang mga makakabuti sa akin. Ayokong sayangin ang mga biyaya. Nalilito! Nalilito ang aking puso sa kung ano ang landas na dapat kong tahakin! May nagbukas na oportunidad upang kumita nang kuwalta. Kaunting puhunan at maraming sipag ang kailangan. Ngunit maganda rin naman ang naging tugon sa akin nung kinauukulan na aking nakausap nuong Sabado. Nagkaroon ako nang pagasa. Ano ang aking pipiliin? Gagawin ko na rin muna marahil ang mga dapat kong kumpletuhin. Nabasbasan! Nabasbasan ang aking pusong nagtitiwala sa pagmamahal nang Panginoon! Muli akong nagtungo sa St Joseph Shrine upang makinig nang banal na misa. Nabuksan ang aking mga mata sa mga katotohanang dati ay aking pilit na iniiwasan. Ayon sa Pari, kapahamakan ang dulot nang sobrang kalabisan.

Page 525

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s