CHAPTER THE SEVENTH

Ending the day with Prayer

In Mga pasasalamat nang aking pusong nagagalak on Nobyembre 24, 2015 at 12:24 umaga

image

Day 328

Nakilala ko si Jigs sa Salon nang isa kong friend na si Babes. Hindi kami sobrang close pero kapag pagtatagpo kami ay nakakapag usap naman kami nang matino. Registered Nurse siya at nag tatrabaho sa RITM at San Lazaro Hospital. Madalas naming napagkukuwentuhan dati ang lumulobong bilang nang HIV/AIDS cases sa bansa. Bilang may alam sa usaping pangkalusugan ay madalas niya kaming bilinan na parating mag ingat. Tinuturuan din niya kami nang mga paraan kung paano umiwas na makapitan nang kinatatakutang karamdaman. Nang lumipat kami sa Pasig early this year ay nawalan na ako nang contact sa kanya. Hindi ko na rin siya napapagkita nuong bumalik kami dito sa Project 4 last June. So, laking gulat ko kanina nang makasabay ko siya sa jeep  nang pauwi na ako galing Cubao! Galing kasi akong Gateway Tower para sa isang short noticed Job Offer and Contract Signing. Anyway, nagkamustahan kami at nagkakuwentuhan tungkol sa aming mga kinagigiliwan. Tapos ay sinabayan ko na siya nang pagbaba sa kabilang kanto. Dadaan daw kasi siya sa Adoration Chapel nang Our Lady of the Miraculous Medal Parish. Nabanggit niya sa akin ang mga dahilan kung bakit niya nakaugalian ang pagdaan sa Simbahan pagkagaling sa trabaho. Marami daw siyang answered prayers. May mga pinagdaanan din daw siyang mga challenges lately. At miski na gaano pa raw siya kapagod ay hindi niya kinalilimutang tapusin ang isang araw sa pagdarasal. Naunawaan ko siya! Naintindihan ko ang kanyang mga dahilan. Bandang huli ay sinabayan ko na rin siyang magpasalamat at manalangin.

Page 526

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s