CHAPTER THE SEVENTH

Binatog

In Mga hinaing nang aking pusong nawiwindang on Nobyembre 26, 2015 at 12:33 umaga

image

Day 330

Nagpunta ako sa SSS Satellite Station sa AliMall kahapon. Kumuha ako nang Verification Slip. Yung kasi ang kukumpleto sa mga inaasikaso kong Requirements na ipinangako kong isusumite bago matapos ang buwan na ito. Naging maayos at mabilis naman ang aking pag aayos. Very accommodating naman yung dalawang lalaking staff sa Information and General Inquiry. Nag fill out lang ako nang isang maliit na form pagkatapos ay pinroseso naman din agad ang aking request. Bago matapos ang aking sadya ay nabanggit sa akin nung isang Staff na may delinquent Housing Loan daw ako. Kailangan ko daw asikasuhin iyon sa SSS Main Branch. Hindi na ako nagulat sa sinabi sa akin. Alam ko ang tungkol sa Loan na iyon. Ang malungkot nga lang ay hindi naman talaga ako ang nakinabang duon. Ginamit nang isang kamaganak ang SSS Number ko dati para nakapag Housing Loan. Sa nasabing kamaganak din ako naninilbihan nuong mga panahon na iyon. I was young then. 18 years old lang ako. Sa aking pagkakatanda, nakakuha naman din talaga nang house ang lot yung kamaganak ko na iyon and for a while ay nasa pangalan ko pa nga yung titulo nang bahay at lupa. But after a few months ay pinapirma din niya ako nang transfer of title. Hindi ko naman din naintindihan pa nuon ang mga nangyayari. Ang ending, napunta nga sa kamaganak ko na iyon ang bahay at lupa. At hindi na niya binayaran pa ang nasabing Housing Loan! Ako naman ngayon ang may problema! Paano kaya ito? Ano ang gagawin ko? Grabe! Pero ang totoo niyan, hindi ko makuhang magalit. Sa katunayan, awa ang nararamdaman ako para sa kamaganak ko na nanamantala sa akin. Anyway, ipagdarasal ko na lang siya. Then, kakain na lang ako nang Binatog na may kaunting asin, katamtaman na dami ng niyog, at maraming butter! Sasabayan ko na rin nang panunuod nang Destiny Rose para Good Vibes!

Page 528

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s