CHAPTER THE SEVENTH

Bitbit ko Pagasa

In Mga pangarap nang aking pusong umaasa on Nobyembre 27, 2015 at 12:25 umaga

image

Day 331

Napakalaking bagay ang naidulot sa akin nang Project 365! Hindi ako nagkamali nang nagdesisyon akong bigyan muli ito nang isa pang pagkakataon last year. Nang dahil sa araw araw kong pag kuha at pag tampok nang itim at puting larawan sa aking Blog, Instagram at Facebook Account ay nakilala ko nang lubusan ang aking sarili. Nakatulong din na sa bawat litrato na aking ibinabahagi ay naikukuwento ko ang istorya sa likod nito. Malaking bagay din na mayroon akong outlet para maipahayag ang aking saluobin, damdamin at opinyon sa mga isyu nang buhay. Nang dahil sa Project 365, mas naging aware ako kung ano ang mga nagiging dahilan nang aking mga kinatatakutang mood swings. At dahil duon ay alam ko na rin ngayon kung paano ito maiiwasan. Dahil din sa proyekto kong ito, nakilala ko ang mga taong tunay na nag mamalasakit sa akin, natuto rin akong magpatawad, na realize ko rin kung gaano kasaya ang buhay, at nagkaroon ako nang pagkakataon na muling mapalapit sa Panginoon! I am very grateful! Kaya naman miski na ano pa ang mangyari ay ipagpapatuloy ko ang aking Project 365 next year. Marahil ito ay may ibang tema, ngunit pareho parin naman ang layunin. At ito ay ang maibahagi ko ang kuwento at aral nang buhay sa pamamagitan nang mga larawan. Naniniwala ako na bukod sa akin ay may ibang taong may katulad kong kundisyon ang makikinabang rin sa aking mga gagawin. Alam kong darating ang panahon na mas maunawaan din nang iba kung bakit ko ito pinagkakadalubhasahan at pinagtutuunan nang oras at pansin. Mas magiging mabuti ang lahat. Sa aking puso, bitbit ko ang pagasa!

Page 529

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s