CHAPTER THE SEVENTH

Tokneneng

In Mga masayang ala ala nang aking pusong maligaya on Nobyembre 28, 2015 at 1:26 umaga

image

Day 332

Mababaw lang talaga ang aking kaligayagan. Masaya na ako kapag nakakakain ako nang Tokneneng na Balot at Penoy! Maligaya na ako sa Beef Mami, Okoy, Goto at Tokwa’t Baboy! Kontento na ako sa Chicken neck Adobo at Tinolang Tahong na may maraming dahon nang sili. Kapag kaarawan ko, solb na ako sa isang order nang Pancit Canton sa Palengke na sinamahan nang isang bote nang malamig na RC Cola! Pasko na para sa akin ang Macaroni Salad ng Tropical Hut. Hindi ako mahilig sa pasalubong at regalo. Kontento na ako sa panunood nang TV sa bahay! Hilig ko panuorin ang StarStruck, Destiny Rose, Ang Probinsiyano, On the Wings of Love, at You’re my Home. Interesado ako sa pakikipag usap sa mga taong may saysay ang opinyon sa mga isyung panlipunan. Payapa ang loob ko kapag kasama ko ang ilang tunay na kaibigan. May kakaibang saya akong nararamdaman kapag may nakikita akong mga taong kumakain sa Karinderia! Hilig ko ang makihalubilo at makipag huntahan sa mga tao sa kalsada. Kinagigiliwan ko ang mga Mechanical Engineer na kilala sina Violet, Klause, and Sunny Baudelaire. Napapangiti ako kapag nakikilala pa ako nang mga dati kong Estudyante, Co-Teachers, at Officemate miski lumipas na ang maraming taon. Masaya na ako sa Trenta Pesos na gupit sa Encarnacion! Bale wala sa akin kung hindi bago ang aking damit, pantalon, at sapatos! Okay lang sa akin kung Cherry Mobile lang ang cellphone ko! Masaya na ako sa pagtanglaw nang mga bituin sa langit tuwing gabi. Natutuwa ako kapag umuulan. At nag uumapaw sa ligaya ang aking puso kapag natutunghayan ko ang bukang liwayway! So, kung ang mga ito lang naman pala ang nagpapasaya sa akin, eh bakit mas maraming beses akong tinalo nang lumbay? Madali palang maging masaya! Lalo na para sa isang tulad kong mababaw lang naman talaga ang kaligayahan! Dapat ko na talagang simulan ang pagbibilang nang mga masasayang ala ala. Isasaisantabi ko na ang lungkot! Panahon na upang lumigaya!

Page 530

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s