CHAPTER THE SEVENTH

Gintong Aral ng Nakaraan

In Mga pagsisiwalat nang aking pusong nagsisimula on Nobyembre 30, 2015 at 12:56 umaga

image

Day 334

Nagsimula na ang panahon nang Adbiento. Sinindihan na ang kandila nang pagasa kanina. Tamang tama ang okasyon upang ipagpatuloy ko ang aking layunin na isaayos ang aking buhay. Handa na akong talikuran ang lahat nang hindi dapat. Handa na rin akong yakapin ang lahat nang makakabuti. Alam kong hindi magiging madali ang transisyon. Alam kong susubukin ako. Ngunit handa ako sa kung ano man ang humarang sa akin. Tapos na ang panahon nang kalungkutan at karimlan. Simula na ang panahon nang kaligayahan at kaliwanagan. Maraming panahon ang nasayang! Ngunit alam kong maraming panahon pa rin naman ang maaari kong gamitin upang buoin muli ang aking mga pangarap! Wala akong pagsisisi! Naniniwala akong dapat mangyari ang lahat nang mga nangyari. Marami rin naman akong natutunan. Hindi iyon mababayaran. Gagamitin ko ang mga gintong aral ng nakaraan upang mapabuti ang aking ngayon at bukas. Alam kong malayo pa ang aking lalakbayin! Handa ako! Tama! Naligaw ako nang landas. Matagal bago ko natunton ang tamang daan. Maaaring wala pa ako sa kung saan ko nais makarating. Ngunit malaki parin naman ang aking pasasalamat sapagkat wala narin naman ako sa kung nasaan ako dati!

Page 532

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s