CHAPTER THE SEVENTH

Dumaan ako sa Simbahan

In Mga panalangin nang aking pusong nag susumamo on Disyembre 21, 2015 at 4:36 umaga

image

Day 355

Umidlip ako pagkatapos nang Gandang Gabi Vice. Pagkagising ko ay saglit muna akong humarap sa TV. Bumaba si Amy at nakipag kuwentuhan saglit. Halatang may pinagdadaanan siya. Sa karaniwang araw naman kasi madalang kaming mag huntahan. Nang kantahin na ang Lupang Hinirang sa Channel 11.16 ay tumayo na rin ako sa aking kinauupuan. Agad ko nang tinapos ang lahat nang aking mga gawain. Binanlawan ko na rin ang aking labada. Nang maisampay ko na ang aking mga damit ay diretso ligo na rin ako. Pagkatapos ay lumabas ako nang bahay. Madilim pa at malamig sa labas. Quarter to 4 pa lang. Naglakad lakad ako papuntang Bakery. Bukas na siya. Marami nang tao. Dati rati naman ay bandang alas Sais na iyon nagbubukas. Kapag ganitong panahon, maaga rin pala silang nag sisimula. Dumiretso ako nang lakad. Dumaan ako sa Simbahan. Our Lady of the Miraculous Medal. Katatapos lang nang ika anim na Simbang Gabi. Pumunta ako sa Adoration Chapel. Inihingi ko nang tawad ang nagawa kong pagkakasala kahapon.

Page 553

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s