CHAPTER THE SEVENTH

Matagal na paghihintay

In Mga larawan ng aking pusong nagpipilit sumaya on Disyembre 30, 2015 at 10:36 umaga

image

Day 364

May pag aatubili ako sa pagpasok sa trabaho kagabi. Nag text na ako sa ilang mga Wavemates ko para hingiin ang Cellphone Number nang Trainer namin. Mag co-call off sana ako. Kaya lang wala ni isa sa mga pinadalhan ko nang mensahe ang may kopya nuong numero. Habang nag mumuni muni kung ano ang mga susunod kong hakbang ay may bigla akong naalala. Isang masaklap na pangyayari na naganap isang taon na ang nakakalipas. Ang nasabing pangit na istorya ay naganap sa Teleperformance Antipolo. Bigla akong natauhan. Para kasing umulit nanaman ang kuwento nang nakalipas. Isa nanaman ito sa mga tila masaklap na birong nakaguhit na sa aking palad. Isang signos na hindi titigil sa pag mumulto sa akin hanggat hindi ko hinaharap nang maayos. Hindi ko na dapat pang hayaang talunin nanaman akong muli nang sitwasyon. Dapat nang matigil! Hindi ko na dapat pang palampasin pa ang pagkakataon. Matagal na paghihintay na ang aking pinagdusan. Kaya naman, agad akong kumain nang hapunan, nag gayak nang sarili, at bumiyahe papasok sa trabaho. Kalaunan, naging tama naman ang aking desisyon. Tumakbo nang maayos ang buong shift. Nagtapos ang araw ko kasama si Bill. Dumaan kami sa Araneta Bus Center. Puno na nang mga biyahero ang nasabing sakayan. Lahat isa lang ang hangad. Ang makauwi sa kanya kanyang Probinsiya at nakasama ang mga mahal sa buhay upang makapagdiwang nang Bagong Taon na magkakasama.

Page 562

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s