CHAPTER THE SEVENTH

Move on na lang

In Mga kabanata nang aking pusong natuto on Enero 30, 2016 at 5:44 hapon

Move on langRenovation

Tulad nang madalas na mangyari sa bahay, hindi nanaman ako na-inform na may magaganap palang renovation sa kuwarto nang sister ko earlier this month! Hindi ko alam kung bakit ginawa nang hobby nang mga tao sa amin na i-etsa puwera ako kapag may mga desisyon silang gagawin! Madalas kapag may mga kaganapan sa bahay, ako na yung huling nakaka alam! Minsan pa nga hindi ko na rin nalalaman pa!

Siguro, kaya hindi na ako sinasabihan pa ay sapagkat hindi naman mahalaga para sa mga tao sa bahay ang aking opinyon. At siguro, dahil na rin sa katotohanang hindi din naman ako makakatulong in terms of gastusin! Dukha lang daw kasi ako.

Pero, dahil na rin sa mga biglaang mga desisyon at mga hindi ko alam na plano nila ay madalas napapahamak din naman ako! Isang bagay na hindi rin yata alam nang mga tao sa bahay! At kung alam man nila, deadma na lang! Sino ba naman ako?

Anyway, dahil sa renovation sa kuwarto nang sister ko, isang linggo nanaman akong hindi nakatulog nang mabuti. Paano naman ako makakapag pahinga nang maayos kung buong gabi akong nagtrabaho tapos puro ingay na dulot nang sinasagawang pag papanday din naman ang aabutan ko sa bahay? Ang malala pa nito, nang mga panahong puyat ako galing trabaho at hindi ako nakakatulog nang mabuti ay ang panahon din na may karamdaman ako!

After keeping quiet for a very long time about how I am being treated sa bahay, I finally spoke up. Sinabihan ko ang sister ko na sana, sa susunod na may mga desisyon sila, ipaalam naman din sana sa akin. Hindi para kontrahin ko, kundi para makapag adjust din naman ako kaagad.

Ang ending? Ako pa ang naging masama.

Cellphone

Madaling araw, two weeks ago, walang sabi sabi ay binisita ako sa bahay nung dating taga Malvar Street na ngayon ay taga Cavite na. Matagal din kaming hindi nagkita. Before Christmas pa last year yung huli naming pagtatagpo. At dahil na miss ko siya nang sobra ay siniguro ko naman na sulit ang kanyang pagdating.

Dahil biglaan nga ang pagdating at palihim lang ang aming mga pagkakadaupang palad at may mga tao sa bahay nuong panahong dumating siya ay hindi ko na muna pinatuloy sa house nung dating taga Malvar Street na ngayon ay taga Cavite na. Instead, kumain na lang kami sa Retiro Pares sa may Cubao at nag kuwentuhan nang walang habas.

Hindi rin naman kami nagkaroon nang pagkakataong magkasama nang mas matagal sapagkat pauwi na rin daw siya at ako naman ay mag sisimba pa sa St Joseph Parish sa Aurora Blvd. Naka ugalian ko na kasi na umattend nang First Mass duon.

Bago umalis nung dating taga Malvar Street na ngayon ay taga Cavite na ay naisip kong ibigay na lang sa kanya ang luma kong Cellphone. The same Cellphone na madalas kong gamitin sa pagkuha ko nang mga larawan para sa aking Project 365!

Bukal naman sa loob ko ang aking ginawa. Unang una, may naipon na rin naman akong kaunting kuwalta para makabili nang bagong Cellphone para sa aking sarili. Pangalawa, naging napaka bait din naman sa akin nung dating taga Malvar Street na ngayon ay taga Cavite na. Ikatlo, para wala na rin siyang dahilan pa para hindi mag text sa akin!

Dama ko naman ang sobrang pasasalamat at saya nung dating taga Malvar Street na ngayon ay taga Cavite na nang ibigay ko sa kanya ang cellphone. Masaya din ako na masaya siya.

Sa kasamaang palad, simula nang ibigay ko ang cellphone dun sa dating taga Malvar Street na ngayon ay taga Cavite na ay ni hindi na niya ako tinext pa. Nag miss call lang siya nang isang beses, pagkatapos nuon ay wala na.

Gamot

Mahigit isang linggo na akong hindi nakakapasok! Baka nga magpakita na lang ako sa office next week para mag abot na lang nang resignation letter. Gustuhin ko mang bumalik pa ay ayaw na ako payagan nang aking katawan.

Nag simula ang masama kong pakiramdam nuong last week pa nang December. Simula nuon ay hindi na ako gaano naging maayos pa. Pakiramdam ko ay bumabagsak na ang aking katawan. May mga nag lalabasan ding mga pasa sa katawan ko. Pinaka malaki ay yung sa kaliwa kong braso.

Nakapag patingin na rin naman ako sa Doctor. Sari saring mga gamot nanaman ang aking iniinom. Mga gamot na sobrang nakakapag pahina at matinding nakakapag patulog sa akin. Mga gamot na may kamahalan din naman. Mga gamot na nakapagpa bawas sa naipon kong salapi na nakalaan sana para sa aking Project Sam.

Relo

Tanghaling tapat nuong nakaraang Lunes nang dumating sa bahay si Rjay. Tila balisa. Mukhang may matinding problema. Pinapasok ko naman din siya kaagad sa bahay. Nang tanungin ko kung bakit parang may pinag dadaanan siya, ang sagot niya sa akin ay pumanaw na daw kasi ang Tatay niya. Mas lalo naman akong naawa.

Pinaghandaan ko nang makakain si Rjay. Sabay pa kaming nananghalian. Pagkatapos mag lunch ay naki usap siya na makikitulog daw muna. Wala pa daw kasi siyang tulog. Pumayag naman din ako. At dahil ayaw ko namang mabigla ang mga tao sa bahay kung maabutan siyang natutulog sa sala ay sa kuwarto ko na siya pina tulog. Ako naman ay nasa sala lang at nanunuod nang TV. Sinusubaybayan ko kung sino ang mananalo sa Tawag nang Tanghalan sa It’s Showtime.

Pasado alas kuwatro na nang hapon nang magising si Rjay. At dahil nga sa kuwento niya ay niyaya ko siyang samahan ako sa may Daily Supermarket upang ako ay makapag withdraw nang pera sa BPI at nang mabigyan ko siya nang abuloy.

Sumama din naman siya. Pagkatapos kong mag withdraw ay inabutan ko siya nang Limangdaang Piso. Kumain pa kami nang Takuyaki sa Daily Supermarket. After that ay kanya kanya na kaming uwi.

Pagdating ko sa bahay ay agad akong pumasok ko sa kuwarto ko upang mag linis. Duon ko lang nalaman na bukod pala sa pagtulog ay may iba pa palang ginawa si Rjay sa loob nang aking silid. Pinagnakawan niya ako! Tangay niya ang aking pera, Ipad, at Relo.

Paso

Lately, dahil nga sa hindi ako nakakapasok ay nagpaka abala na lang ako sa pag tatanim. Gardening ang peg ko ngayon. Maraming mga lumang paso sa tapat nang bahay. Mga paso na hindi naman ginagamit.

Inipon ko yung mga paso. Nilinis. Inayos. Nilagyan nang lupa. Nag tanim ako nang Kamatis, Sili, at Kalamansi. Tuwing umaga at hapon ko siya dinidiligan. Bumili pa ako nang fertilizer para tumaba yung lupa.

Tumutubo na yung mga halamang tinamin ko. Nakakatuwa silang tignan. Natutuwa din ang lahat nang mga nakakakita. Natuwa yung Nanay nung isa naming Boarder. Natuwa yung Delivery Boy nang Jollibee. Natuwa yung Masahista. Natuwa yung kumukuha nang Laundry. Natuwa ang lahat maliban sa Asawa nang aking Pinsan. Sa kanya daw kasi yung mga paso.

Lesson

Pagod na akong mag alala. Pagod na akong magalit. Pagod na akong magdamdam. Pagod na akong maging malungkot. So, I decided to celebrate the lessons that I learned instead of dwelling on the sad experience. Then, stay happy. Move on na lang!

Page 568

  1. Salbahe naman yung friend mo (Rjay). But like you said, just move on… mababawi mo yun. sya, kunsensya na nya… Hope you feel better.๐Ÿ™‚

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s