CHAPTER THE SEVENTH

Simula na

In Mga hinagpis nang aking pusong nalulumbay on Hulyo 1, 2016 at 8:00 umaga

BODY - Digong Betrayal of Jesus

I started this blog exactly 6 years ago! Unang araw sa Malakanyang ni Benigno Simeon nuon. Simula pa lang, hindi ko na siya gusto! Hindi rin ako umasa nuon na makakagawa siya nang mabuti para sa bayan. Hindi naman ako nagkamali.

Fastforward today! July 1, 2016. Unang araw din ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Malakanyang Bilang ika 16 na Presidente nang Pilipinas! Mataas ang kumpiyansa ko na may magagawang mabuti si Digong para sa Bansa! Dumating na ang pagbabago! Simula na!

Magandang pagkakataon din ito upang mag simula muli! Matagal tagal na rin akong hindi nakakapag sulat. Ang daming nangyari! Hindi lahat maganda, pero buhay parin naman ako. Yun ang mahalaga! Focus na lang sa kung ano ang mabuti! Tuon na lang ang atensyon sa kung ano ang nakakapagpa good vibes!

Pero upang magsilbing tala, dadaanan ko nang mabilis ang lahat. Ito na: Dumating rito yung taga Baras nuong nakaraan. Nagpasaring nanaman muli sa isyung kuwalta. Hindi ako tinuring na tao sapagkat wala raw akong salapi. Natural na nasaktan ako! Nagbuhos ako nang sama nang loob sa aking mga kapatid. Naunawaan naman daw nila ang lahat! Dumating ang tulong.

Nito lamang nakaraang linggo ay may nagbalik sa aking gunita nang isang isyu na matagal ko nang pilit na kinalimutan! Isang isyu na masaklap! Sumabay ang nasabing pagkakataon sa panahon na pilit naman akong nag sisikap upang maging matuwid ang aking buhay. Dahil sa sama nang loob ay naapektuhan ang aking kalusugan. Nagtuloy tuloy ang aking karamdaman. Nagsimula na mataas na presyon nang dugo na nauwi naman sa ilang beses na pagpunta sa Hospital. Ang dalaw na Hospital ay ang nagbunsod naman nang iba pang komplikasyon. Nakapag pa eksamin na ako at babalik muli sa isang linggo.

May iniinda pa akong karamdaman. Marami pa akong dapat pagdaanan. Naibsan na nang bahagya ang pasakit ngunit tuloy parin ang obserbasyon. Aaminin ko na natatakot ako. Mayroong hindi tama. Mayroong mali! Pero kapit lang!

Marahil panahon na rin ang nagtakda na mabuksan ang isyu na aking nabanggit. Nagkaruon nang pagkakataon na marinig ang aking panig na nanatiling tikom sa loob nang labingwalong taon! Naging mabuti na rin naman ang nangyari.

Oo nga pala, bago pa ako magkaruon nang karamdaman ay nakapunta na ako sa Redemptorist Church sa Baclaran. Nakapag confession ako. Nakatanggap na rin ako nang Holy Communion. Sa kasamaang palad, dahil sa iniinda kong karamdaman ay hindi ako nakapag simba nitong nakaraang Linggo.

Unti unti nang umaayos ang aking kalagayan. Unti unti ko na ring hinaharap ang mga nabinbin kong trabaho. Malaki ang pasalamat ko sa Diyos at maraming tumutulong sa akin. Marami rin ang nakaunawa sa aking kalagayan at binigyan ako nang pagkakataong humabol.

Dahan dahan lang. Paunti unti. Simula na!

Page 574

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s