CHAPTER THE SEVENTH

General Problem

In Mga sigaw nang aking pusong makabayan on Hulyo 5, 2016 at 10:33 hapon

THE BODY - General Problem

Sa kaniyang talumpati sa ika-69 na anibersaryo ng Philippine Air Force, binanggit isa-isa ni President Rodrigo Roa Duterte sina: PNP Deputy Director General Marcelo Garbo Jr., dating National Capital Region Police Office Chief Director Joel Pagdilao, Western Visayas Regional Director Chief Superintendent Bernardo Diaz, Quezon City Police District Director Chief Superintendent Edgardo Tinio at Retired Police General Vicente Loot bilang mga General na sangkot sa Droga sa bansa!

Nakakahiya! Pero tama ang ginawa nang Presidente! Sang ayon ako sa ginawa niyang pag sisiwalat nang mga sangkot sa Droga! Dapat silang imbestigahan at kapag na patunayang nagkasala ay parusahan! Hindi sila dapat pangilagan. Hindi sila dapat katakutan! Kung totoo ang bintang sa kanila ay dapat silang kamuhian! Dapat silang kasuklaman! Dapat silang itakwil! Marami silang buhay na sinira! Hindi sila na hindik na mula sa maruming pera ang ipinangkain nila sa pamilya nila! Tama na! Dapat nang matigil ang kabulukan! Saludo ako sa ginawa nang Presidente nang Pilipinas! Saludo ako sa iyo President Rodrigo Roa Duterte!

Sigurado akong maraming magmamalinis at mag sasabing mali ang paraan nang Presidente! Marami ang mag hahayag nang saluobin nila na pabor sa mali! Isa sa mga tutuligsa sa Presidente ay ang mga nakinabang sa kabulukan! Kakampihan nila ang mga salot! Gagawa sila nang usapin na dapat kastiguhin si President Rodrigo Roa Duterte! Gagawin nila ang lahat upang palabasin na kawalanghiyaan ang pagsisiwalat ni Digong! Ngunit sino nga ba ang mas walanghiya?

Ang nakakalungkot sa buhay ay ang katotohanan na kung sino pa ang nag sasabi nang totoo ay siya pa ang mas napapasama! Kapag kumatig ka at ipinaglaban ang tama, ikaw pa ang ilulubog sa lusak! Sari saring kapulpulan ang ikukulapol sa iyo! Iyan nag buhay! Iyan ang problema! General Problem talaga! Ngunit, kadalasan din naman, panandalian lamang ang paghahari nang mali! Bandang huli rin naman kasi, lulutang din ang katotohanan! At hahampas ang karma sa kung kanino ito nararapat!

Call me any name you want! I stand by my President! Mabuhay si President Rodrigo Roa Duterte!

Iyon lang!

Page 575

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s