CHAPTER THE SEVENTH

Sarap ng Good Vibes

In Mga patutchada nang aking pusong naiimbiyerna on Hulyo 7, 2016 at 5:48 umaga

THE BODY - Good Vibes

Madaling araw. Bigla akong nagising dahil sa mga kalampag mula sa Dining Room. Nang tignan ko ang oras sa cellphone ko ay nalaman kong 3:15 AM pa lang pala! Nagpatuloy yung kaluskos. Lakas loob akong lumabas nang kuwarto para tignan kung ano yung nag dudulot nang ingay. Gamit ang Flashlight sa Cellphone ko ay dahan dahan akong lumabas nang kuwarto at sinilip ang Dining Room. Laking gulat ko nang tumambad sa akin ang nagkalat na mga plato sa sahig! Nagkalat din ang mga ulam na nuong nakaraang gabi ay iniwang nakatakip lamang. Sabay nang aking pagkakadiskubre ay bigla akong nakarinig nang malakas na kalampag mula sa kusina! Inilawan ko ang bahagi na pinag mulan nang ingay! Nakita ko ang salarin! Pusa lang pala! May nakapasok na pusa na galing sa labas nang bahay! Naghanap nang makakain. Naawa ako sa pusa. Baka gutom siya. Pumasok ulit ako sa kuwartyo nang hindi nililinis yung nagkalat na ulam sa sahig. Hindi ako nag bukas nang ilaw. Ilang saglit pa ay narinig ko muli ang mga kaluskos sa Dining Room. Bumalik yung pusa. Hinayaan ko muna siya. Nag hintay ako nang ilang saglit. Pagkatapos nang ilan pang minuto ay tumahimik na. Lumabas ako nang kuwarto. Nag sindi ako nang ilaw. Malinis na yung nagkalat na ulam sa sahig. Pinulot ko ang mga nahulog na plato. Napangiti na lang ako. Busog na ang pusa!

Hindi na ako makatulog muli. Humiga ako sa kama at pinilit kong makabalik sa pagkaka himlay ngunit ako ay sawi! Binuksan ko na lamang ang aking laptop at nag online. Nag check ako nang email. Nagbaka sakali akong makatanggap na nang reply mula sa aking Mentor na siyang mag fa-facilitate nang aking Final Teaching Demo next week. Walang reply. Nag FB na lang ako. Pag ka log in ko ay nakita ko ang 34 Notifications! Agad ko namang tinignan kung para saan ang mga iyon! Mga likes and comments pala sa mga comments na ginawa ko para sa isang post nang dati kong Boss sa Convergys MDC 100 sa Eastwood City Libis!

Natuwa ako at marami ang nag like sa comments ko. Mas natuwa ako sa mga comments na una kong nabasa. Kaya nga lamang, nang medyo nasa kalagitnaan na ako nang pag babasa ay bigla akong nadismaya! May isa akong dating kasamahan na nag like sa mga sinabi ko ngunit ang sasama naman nang iniwang kumento! Inakusahan akong Patay Gutom sa Danggit! Hindi raw ako mabubuhay nang walang premyo! Luwa na raw ang aking mga mata sa gutom! Nanglilimos na lamang daw ako para makalamon! Mangmang daw ako! Matanda na at walang silbi! Hahahaha! Halos panawan ako nang ulirat sa akusasyon niya!

Teka, explain ko ring kung ano yung Danggit! Ganito kasi iyon. Yung post nang dati kong OM ay isa ring patimpalak! Nag tanong siya kung ano raw ang namimiss namin sa dati naming account na Amazon. Ang may pinaka marami raw na likes ay padadalhan niya nang Danggit mula sa Cebu! Ayan na!

At dahil namiss ko rin naman talaga nang magtindi yung Account na iyon ay ang dami kong nasabi! Tatlong parts talaga yung comments ko! Puro kuwentong katatawanan lamang. Mga kuwentong pasabog! Mga kuwentong exklusibo at explusibo! Walang habas ko ring tinag ang mga karakter na kasama sa aking kuwento! Yun naman din kasi ang nakagawian namin dati pa! Ang i-tag sa mga FB Comments ang mga taong kasali sa usapan!

So, dahil na rin siguro sa mga nai-tag ko at sa kuwetong aking sinariwa, nag umapaw sa likes ang aking comment! Duon at iyon marahil ang pinag hugutan nung dati kong kasamahan nang akusahan niya akong Patay Gutom raw sa Danggit! Hindi raw ako mabubuhay nang walang premyo! Luwa na raw ang aking mga mata sa gutom! Nanglilimos na lamang daw ako para makalamon! Mangmang daw ako! Matanda na at walang silbi! Talaga namang nilibak ang aking pagkatao! Hahahaha! Tumaas bigla ang presyon ko! Napa Catapress ako nang wala sa oras! Bigla akong na Bad Vibes! Kahindik hindik na akusasyon!

Sa sobrang suklam ko ay napa kain tuloy ako bigla nang O Puff Mango Cream Filled Marshmallows! Na stress talaga ako nang matindi! Walang habas! Bigla tuloy akong napa flashback! Inisip ko kung bakit ganun na lamang ang galit sa akin nung dati kong kasamahan! Pinakitaan ko naman siya nang maganda habang kami ay magkasama pa dati! Hindi ko naman siya kailanman kinatunggali sa larangan nang pagandahan, palakasan, patalinuhan, at kung ano pang paligsahan nuong mga panahong nagtatrabaho pa kami!

Then, when I was just about to give up, I suddenly remembered! Oo nga pala! Likas na sa kanya ang ganung asal! Dati pa man ay ganun na talaga siya! Dumadaloy na sa dugo niya ang ugaling inggit! Sagad na sa buto ang ugali niyang talangka! Hindi siya mag dadalawang isip na mang daya para lamang umangat! Gagawin niya ang lahat maitanghal lamang na pinaka mainam sa lahat! Deadma na kung magnakaw siya nang idea nang iba at kamkamin na kanya! Kesehodang manira siya nang kapwa! Hindi na baleng isubsob niya sa lusak ang ilan basta mapabango lamang ang kanyang pangalan! Kapag may ibang dumaig sa kanya ay maramot siya sa papuri at palakpak! Siya lang daw dapat ang pinakamagaling! Iyan ang ugali niyang hindi maganda! At ang mas nakaka hindik pa ay may mga taga hanga siyang parehas din ang asal! Isang kulto! No wonder! Hindi na ako magtataka kung bakit! Ang mga tulad niya at nang mga alipores niya ang isa sa mga dahilan kung bakit nasisira ang isang organisasyon! Mga anay! Yun lang! Che!

Anyway, dahil sa sama nang loob ay dinelete ko na lang ang aking comments! In the first place, hindi ko naman din talaga hinangad ang Danggit! Oo, masarap iyon! Pero kailanman, hindi ako na silaw sa pa-premyo! Ni hindi ko nga gustong nakakatanggap nang regalo eh! Isa pa, ngayon pa ba ako magpapakamatay sa Danggit eh halos lahat nga nang pagkain ay bawal na sa akin! Hindi rin naman ako nagugutom. Hindi rin naman ako hikahos! May laman ang ref namin! Ang dami ko pang stock na bigas! May pera ako! Hindi marami ngunit sapat naman! I invite you sa bahay! Mag lunch or dinner ka dito! Ipaghahanda ka namin. Don’t worry hindi kita lalasunin! Promise! And, alam ko sa sarili ko na may silbi pa ang buhay ko! Oo, matanda na ako! Kaya nga hindi ko pinatulan ang istilo mong inuuod sa sobrang kabulukan! Mag maang maangan ka pa! Ang pangit nang ugali mo! Nakakaawa ka! Grrr! Nang gigigil ako sa iyo!

Well, mga tao naman talaga oh! Sana ika saya niya ang ginagawa niya. At sana masaya na rin siya at nainis ako! Teka, I hope nag to-toothbrush ka na! Sana rin dalasan mo ang pagligo at pagpapalit nang underwear para hindi ka mabaho! Hehehe. Now it’s a tie!

Hay! So, time check. It’s already 5:32 AM! Maya maya lang ay lilitaw na si Haring Araw. Paubos na yung Marshmallows ko. Kapag sinipag ako mamaya ay pupunta ako nang Hospital para maituloy na yung Lab Test ko na nabinbin na nang ilang araw dahil sa ulan. Baka kumain na rin ako nang Breakfast! Bahala na! Maaga pa naman.

For the meantime, magpapaka happy na lang muna ako! After ko i-post ito ay hahanapin ko ang Video ni Atty Alexis Lumbatan sa YouTube! Gusto ko matawa! Gusto ko sumaya! Sarap ng Good Vibes!

Page 576

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s