CHAPTER THE SEVENTH

Nikko Seagal Natividad Umamin

In Mga pagpuri nang aking pusong humahanga on Hulyo 15, 2016 at 12:18 umaga

THE BODY - Nikko Seagal Natividad

Nuong  June 10 post ko, binanggit ko na: “Gandang Lalake winner Nikko Natividad will soon admit na BoyToy siya ni Viceral after he gets evicted from PBB!” Ayan na! Lumalabas tuloy ngayon na mapang husga talaga ako sa aking kapwa tao! Nakakahiya! I am so sorry! Hindi ko lang kasi talaga gusto si Nikko Seagal Natividad! Well, nuon iyon! But after nang episode ng PBB kanina, mukhang biglang nagbago ang pagtingin ko sa kanya!

Actually, hindi ko siya napanood nang lumaban siya sa Gandang Lalake nang It’s Showtime. Wala akong alam tungkol sa buhay niya. Hindi ko alam ang background niya! At hindi rin naman ako nag effort na alamin pa.

Unang beses kong nasilayan si Nikko nuong i-launch sila bilang “Hashtags Kilig Ambassadors” sa nabanggit kong Noontime Show kanina! Then, nakilala ko na lang siya bilang  “Nikko Hashtag Gandang Lalake” nang walang habas niyang i-claim ang title na nabanggit nuong mag guest appearance silang lahat nang mga members sa “Gandang Gabi Vice!” Ang totoo niyan, na turn off na ako kaagad sa kanya dahil nuong nilandi landi na siya ni Jose Mari Viceral sa naturang show, talaga namang damang dama niya ang moment! Gustong gusto rin niya ang attensiyon na nakukuha niya! Then as the show went along, may banat pa siya kay Viceral na parang halatang halata na magaling talaga siyang manghuthot sa mga bakla! Simula nuon, hindi ko na siya gusto!

Then, tuwing may appearance naman silang mga Hashtags sa It’s Showtime at may exposure siya, halata at ramdam ko ang tindi nang gigil niya! Siyempre ang dating nuon sa akin ay: Gustong gusto nitong taong ito na sumikat at hahamakin talaga niya ang lahat para maabot lang ang pangarap! Kesohodang manggamit nang tao or magpagamit sa tao sa ngalan nang katanyagan!

Anyway, nuong i-reveal naman na isa siya sa mga papasok sa PBB House this season, medyo I had mixed emotions. Una napa: “Ah okay, alam na!” ako. I was actually thinking na: “Talagang nagawan nang paraan na makapasok siya sa PBB House. Siya na ang Favorite!” Bilang kilala naman talaga ang ABS-CBN bilang matindi sa Favoritism at numero uno sa pagiging Biased! Then pangalawa, napa: “I’m sure may pasabog ito!” At duon ko nga naisip na baka may aaminin itong mainit na balita! I thought pa nga na ang aaminin niya ay nagpagamit siya sa mga bakla at kay Viceral para makakamal lang nang kuwalta! Then pangatlo, napa: “Ganun pala” ako nang malaman kong 2 in 1 Housemate sila ni McCoy De Leon. So I thought na baka nga hindi rin siya magtagal sa PBB House! Eeksena, papapel, papacute, at magpapaka controversial lang then sisipain na rin agad!

Nanginginig ang laman ko sa kanya nuong mga unang araw nang PBB Lucky Season 7! Oa na Oa ang dating niya sa akin! Panay ang pa-cute! At bilang hindi nga siya ang favorite Hashtag ko, eh kinamumuhian ko ang bawat pag labas niya sa screen! Then nuong biglang nagkaruon nang Teaser tungkol sa aaminin kuno niya, napa: “Ito na” ako! Actually, at the back of my mind, I sort of thought na kung hindi yung unang hinala ko, ay iyong isyu nga na may asawa’t anak siya ang ibubulgar niya! And I was right!

So, umamin na nga kay Big Brother si Nikko Seagal Natividad na may anak at may live in partner na siya! Sa totoo lang, hindi na bago ang kanyang kuwento! Maraming ibang artista na may pinag daanan ding ganyang istorya! Ang dahilan naman daw niya kung bakit niya itinago ang katotohanan ay dahil nag sisimula pa lang siya sa Showbiz! I understand that too. Then nabanggit din niya na: Natatakot siya na kapag lumabas na siya sa PBB House ay hindi na siya miyembro nang Hashtags; gustong gusto raw niya na sumikat at kumita nang pera para sa anak niya; nakokonsensiya raw siya na habang nakakabili siya nang sasakyan, nakakapag pundar ng ibang gamit at nakakakain sa labas ay ni hindi man lang daw niya mailabas ang anak niya; kesyo masama na raw ang loob nang live in partner niya dahil itinatago sila; kesyo gagawin daw niya ang lahat nang makakaya niya para lang kumita nang pera at maging mayaman; aayusin daw niya ang trabaho niya; nang galing daw siya sa broken family na pulos kakulangan sa pera ang laging isyu; gagawin daw niya ang lahat para maipadama sa anak niya ang mga bagay na hindi niya naranasan; at kapag lumabas na raw siya sa PBB House, ang una niyang gagawin ay ipapasyal ang anak niya sa Mall! Then that hit me! Bigla kong naunawaan! Naintindihan ko na siya! Maliwanag na! Kaya naman pala!

Dahil sa mga revelations ni Nikko, bigla tuloy nagbago ang tingin ko sa kanya! Naramdaman ko ang sinseridad nang kanyang mga sinabi! Nakaramdam ako nang kaunting awa! Nakaramdam ako nang kaunting lungkot! Ngunit nangibabaw ang naramdaman kong malaking paghanga!

From now on, susubaybayan ko na si Nikko Seagal Natividad sa PBB Lucky Season 7!

Good luck Nikko!

Page 579

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s