CHAPTER THE SEVENTH

Terror Attack

In Mga hinaing nang aking pusong nawiwindang on Hulyo 15, 2016 at 9:33 hapon

THE BODY - President François Hollande of France

On the way pa lang sa Ali Mall Cubao bandang alas Nueve nang umaga kanina, kung saan mag bubukas ako nang Bank Account sa BPI as part of my requirement, nabanggit na sa akin nang Sister ko ang tungkol sa panibagong Terror attack daw sa France. I asked her kung ano ang nangyari. All she told me was may nangyari nga raw na Terror Attack during a certain celebration sa Nice France. Since mas naka focus ang isip ko sa pag accomplish nang mga dapat kong gawin ay hindi na ako nagtanong pa ulit. In my mind I just thought: “Paano kaya ihahandle ito nang French President na si François Hollande”. Then to my Sister ang nasabi ko na lang ay: “How sad naman. Recently lang ay may Terror attack din sa kanila ah.” Then end of discussion.

Dahil sa matinding traffic sa P. Tuazon ay nakarating kami sa Ali Mall nang pasado alas Diyes na! Dumaan muna kami sa National Bookstore para makapag pa photocopy ako nang mga kailangan kong i-present sa Banko. From the Bookstore ay dumiretso naman kami agad sa BPI sa may may Food Court. Medyo mabilis naman ang naging actual transaction ko with the Bank. Less than 30 minutes lang yata. So natuwa naman ako! Feeling accomplised din kasi atleast may natapos ako sa mga requirements ko! Bukas nanaman ulit!

Anyway, after naming makapag bukas nang Account sa BPI ay nag lunch na kami sa Pancake House! Lalo akong na happy! I had my all time favorite: Cheese Pancakes and Bottomless Iced Tea! Inalok pa ako nang Sister ko na mag Spaghetti and Tacos kaya lang I refused! Bukod sa ayokong mag paka indulge sa mga panahon na ito ay alam kong mabigat sa tiyan ang Pancakes nang Pancake House! So, umorder kami nang mga gusto namin and we still didn’t talk about the Terror Attack in France during lunch. Instead napag usapan namin kung masarap ba ang mga foods sa Sbarro na katabi lang din nang Pancake House!

Pasado alas Dose na nang tanghali nang matapos kami kumain. Bumiyahe nanaman ulit kami. This time pumunta naman kami sa CTBC Bank sa JP Rizal corner E dela Paz Street, San Roque Marikina. May kailangan kasing ayusin ang Sister ko sa naturang Banko. So push lang! Along the way, bigla ko ulit naitanong sa Sister ko kung ano na ang latest tungkol sa Terror Attack sa France. Ipinakita lang niya sa akin ang cellphone niya. Ayon sa Headline nung balita na nabasa ko, parang hindi naman daw agad agad maili-link sa Terror Attack yung nangyari. May isang truck daw kasing sumagasa sa mga tao during the Bastille Day Celebration. Baka aksidente lang daw. So, nawalan ulit ako nang gana na isipin pa ang balita. End of discussion ulit.

Saglit din lang kami sa CTBC Bank. Bago pa mag 1:30 nang tanghali ay homebound na kami. Sa sasakyan, si Ina Feleo naman ang napag kuwentuhan namin! Saglit din naming naging topic ang mga brush na pang make up and kung anong magandang kulay nang lipstcik! Mabilis kaming nakarating sa bahay. Magaling kasi yung Grab Driver namin! Ayos!

Pagpasok sa bahay, bigla akong nahintakutan! Biglang nanginig ang aking laman! Naramdaman kong tumaas ang dugo ko sa aking ulo! Dumating nanaman kasi ang mga taong hindi ko gusto! Mga taong sumira nang buhay ko! Mga taong pinag samantalahan ako! Mga taong tumarantado sa akin nuong ako ay bata! Mga taong sumira nang katahimikan ng aking isip! Mga taong paulit ulit na isinilid sa aking murang isipan na walang kuwenta ang aking buhay! Mga taong tinuring akong basura! Mga taong sagad buto ang kasamaan! Mga taong alipin nang kuwalta! Mga taong sumasamba sa ningning nang salapi! Mga taong isina-bathala ang pera! Mga taong sakim! Mga taong hidhid! Mga taong walanghiya! Mga taong hindi tao! Ang pag dating nila sa aking bahay ay ang masasabi kong tunay na Terror Attack! Panginoon tulungan mo po ako!

Page 580

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s