CHAPTER THE SEVENTH

Back to the Future

In Mga samut saring chika nang aking pusong naglilista on Hulyo 18, 2016 at 9:41 hapon

THE BODY - Michael J Fox Back to the Future

Okay, so last Saturday nag punta ulit ako sa Cubao kasama ang Sister ko. Ang plano was to buy some Suit na kailangan ko nga para sa aking sisimulang bagong career! From the house ay dumiretso na kami kaagad sa Gateway Mall. At dahil lunch time na rin naman, kumain muna kami sa Food Court. I had Bibimbap at Mr Kimbob while my Sister had Jumbo Beef Pepper Rice at Pepper Lunch!

After naming kumain ay nag hanap ako nang ATM dahil kailangan kong mag withdraw nang salapi! Nakahanap din naman ako kaagad. Sa isang corner nang Food Court, bago makarating sa Dairy Queen ay may ATM ang BPI at Metrobank. Panalo! However, biglang naging masaklap ang mga pangyayari dahil for some reason ay mali daw ang PIN na ine-enter ko! Nahindik ako bigla! Nag try pa ulit ako! Then, sumubok ulit ako sa ikatlong pagkakataon. Error parin! Duon na sa puntong iyon nang ma-block ako! Ang saklap! Sabado pa naman! Sarado ang banko!

Ang ending, isang Suit lang tuloy ang nabili ko! Pinagkasya ko na lang yung natitirang kuwalta sa wallet ko! Hay!

Hindi pa riyan nag tapos ang mga masaklap na kaganapan nuong Sabado! When I got home, hinarap ko naman kaagad yung issue sa HP Laptop ko na sa totoo lang ay nuong Friday pa nagsimula! I contacted their Technical Chat Support para sana mai-remote nila at ayusin. Ang issue ay: The screen is flickering when I turn the Laptop on. Then it’s taking longer than usual to get to the Login Page. Then in a separate issue, may mysterious Sony Bravia Advertisement akong naririnig sa background paminsan minsan!

Ito na, unang attempt ko na kumontak sa HP Technical Chat Support, ang waiting time daw ay 1 hour and 30 minutes! Halos panawan ako nang ulirat! At dahil may biglang dumating akong bisita na kailangang i-entertain ay ipinagpaliban ko muna! So, para rin hindi ako gaano ma-stress ay nagluto muna kami nung bisita ko nang Arroz Caldo! Masaya naman ako while cooking!

After maluto ang aking Special Arroz Caldo ay kumain na kami agad nung aking Visitor. Ang sarap! Lalo na at umuulan ulan pa nung mga panahon na iyon. Sinabayan namin nang panunood nang The Voice Kids ang aming pag lantak sa Hot Arroz Caldo! Hala Bira!

Nang matapos na kami kumain ay binalikan ko na ang Techinical Chat Support nang HP. When I initiated the session, bumaba na sa 45 minutes ang waiting time! Go na ako agad! So nag hintay nga ako nang may ngiti sa aking mga labi. I was confident na sa kabila nang tagal nang gagawing pag hihintay ay maaayos din naman nila ang issue ko. This is based sa mga nauna kong experience with HP’s Technical Chat Support. But, I was wrong!

After ko mag hintay nang pagkatagal tagal ay hindi rin ako natulungan nung Representative na nag attend sa akin na itago natin sa pangalang Avisar B. Ang masaklap pa nito, halatang hindi niya alam ang ginagawa niya! Bilang nakikita ko rin sa monitor ang trabaho niya! Then imbes na maayos, lalo lang lumala! Lalong nagkaroon nang flicker ang screen ko! Then nuong hindi na niya yata alam ang gagawin, guess what? Nag disconnect siya! Nakakahimatay! Juice quo poe Nanay!

So, dahil sa tindi nang mga nangyari ay muli akong kumontak sa HP Technical Chat Support! Medyo na kalma naman ako sapagkat 15 minutes lang ang waiting time! Push na ako kaagad. Pagkatapos nang kinse minuto ay may nag assist na sa akin. Itago natin siya sa pangalang Milan! I don’t know pero parang alam na niya agad ang issue! Siguro nag full notation naman yung unang Rep. Then after a few minutes naayos na rin ni Milan ang issue! Laking tuwa ko! Salamat din naman! Under warranty pa naman itong Laptop ko kaya miski ilang beses akong tumawag sa kanila, dapat assist nila ako nang maayos!

Now, after each contact sa HP Technical Chat Support, nag papadala sila nang email. Either ask nila if the issue has been resolved or kung need pa nang further assistance. If nag reply ka sa email nila, nag follow up din naman sila agad kung kailangn pa or kapag resolved naman ay may survey na matatanggap! Both the Rep na naka chat ko ay nag email naman. However si Avisar B. ay halatang may email manipulation na ginawa! Bukod sa edited yung content nang email na merong standard format ay hindi rin niya inilagay yung name niya sa email unlike the other Rep named Milan! Nakakaloka! Alam kong may email manipulation sapagkat ganyan din yung nakita ko sa isang team nang magtwag ako sa Amazon sa Convergys MDC 100! Ayan na! Kawalanghiyaan! Hay! Foot nang Heen Huh! Walang Habas!

Anyway, after nang nakaka stress kong encounter with HP Technical Chat Support ay natulog din ako kaagad! Ayokong maapektuhan!

Kapahon naman, Sunday ay nag pahinga lang ako! Hindi ako lumabas nang bahay nung umaga. Hindi rin ako nag asikaso nang kung ano mang requirements ko. “Me time” muna! Nag grocery ako nung tanghali. Then umulan nung hapon. Unfortunately, nang dahil din sa ulan kaya hindi ako nakapag simba! Natatakot din naman kasi akong magkasakit. Hindi na kaya nang katawan ko ang pabigla biglang palit sa panahon. Then para malibang ay nanuod lang ako nang mga Movies! Sinimulan ko sa Amityville, then The Butterfly Effect 1,2, and 3, then finally ay Back to The Future (The first movie).

Today, Monday ay nag asikaso ulit ako nang aking mga requirements! Sinimulan ko sa pagpapakuha nang Half Body Picture na naka Polo and Suit at may white background. Then inasikaso ko rin yung PIN nang ATM ko! Nang ma accomplish ko na ang aking mga dapat gawin ay nag lunch na kami nang Sister ko sa Kenny Rogers. Dahil sa ilang araw na akong nag ke-crave for Spaghetti with Meatballs ay yun na nga ang kinain ko! Na aliw din ako sapagkat ang ganda nag playlist nila sa Kenny Rogers! Ginanahan akong kumain sapagkat nakaka relax yung mga pinatutugtog nilang kanta! Then, halos lahat nang pinatutugtog nila ay nasa sarili ko rin playlist sa YouTube! Kaya winner! Babalik ako sa Kenny Rogers sa SM Cubao! Good job Kenny Rogers!

From SM Cubao ay nag punta kami sa St Padre Pio sa Eastwood. May gusto raw kasing ipagdasal ang Sister ko. Ako naman ay humiling nang Good Health! May ibinulong din ako kay Saint Padre Pio na sana ay mapakinggan niya. Think positive lang talaga ako ngayon. Pray, Hope, and don’t Worry.

Pasado alas Dos na nang hapon nang makauwi kami sa bahay. Nagpahinga lang ako saglit then nuod ulit nang Movies. Ipinagpatuloy ko ang aking Back to the Future marathon! Pinanuod ko ang Parts 1 and 2! Super aliw! Happy naman. Nabawasan ang BV ko! Good Vibes na ulit. Teka, kamusta na kaya si Michael J. Fox?

I ate dinner early. May class kasi by 8 PM. I was infront of my PC na an hour before my class. Unfortunately, wala yung Student ko when I called him. Sad.

Bukas, mag ko-compose ako nang aking Short Bio then mag re-record ako nang aking Intro! After that scan na nang mga requirements. Then upload. Then fill up mga important Info. Then yun na! Wait na lang ulit for approval!

Page 581

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s