CHAPTER THE SEVENTH

Sa Isang Ligtas na Lugar

In Mga samut saring chika nang aking pusong naglilista on Nobyembre 17, 2016 at 11:22 hapon

a-safe-place

Hindi ko na maalala kung kailan! Hindi ko na matandaan ang eksaktong araw nung huli akong nakapagturo sa Bizmates. Matagal tagal na rin. Mahigit isa’t kalahating buwan na. Hindi na ako babalik pa. Gustong gusto ko pa sana ngunit ang daming hadlang! Masalimuot ang mga dahilan kung bakit hindi na puwede. Ayoko munang mag intindi kaya saka ko na lamang idedetalye! Masaya pa naman din sana ruon. Sayang!

Kung ano ano na rin lang ang mga pinagkaabalahan ko simula nang huli akong nakapagturo. Wala ni isa sa mga iyon ang nagdala o nagpasok nang kuwalta! Pansin ko lang, madalas talaga, ang mga bagay na pinag tutuunan ko ng oras, panahon, lakas, at pansin ay yaong mga bagay na walang katumbas na salapi! Tila duon ako mas maligaya. Duon ako kampante. Duon tahimik ang aking isip.

Ang dami nang mga nangyari! Dumating ang kapatid ko mula Dubai. Nabigyan niya ako ng biyaya. Nagpunta sila sa Thailand. Hindi ako nakasama. Nagpa blessing ng bahay sa Imus Cavite ang aking Sister-in-law, suwerteng maganda ang aking pakiramdam at nakasabit ako.

Pumanaw na si Miriam Defensor Santiago nuong ika 29 ng Setyembre. Pinayagan na ng Korte Suprema ang paglilibing kay Ferdinand Edralin Marcos sa Libingan ng mga Bayani. Laos na si Kris Aquino. Panalo ulit si Manny Pacquiao laban kay Jessie Vargas. Binigyan na ng Absolute Pardon si Robin Padilla. Isa nang legal na babae si BB Gandanghari. At nagbalik na si Miss Olga Luxuria!

Patuloy parin ang kampanya kontra droga ni Presidente Rodrigo Roa Digong Duterte! Hindi magkamayaw sa kakabilang ang media sa mga napapatay! Sa kabila ng mga pagbatikos ni Aling Leila De Lima, Commision on Human Rights, Simbahang Katoliko, at United Nations ay mataas parin ang approval rating ni Digong! ang aking tanong: “Bakit kaya?”

Napatay sa loob mismo ng piitan si Albuera Leyte Mayor Rolando Espinosa! Nanlaban daw sabi ng mga Pulis. Pauwi na ang Eastern Visayas Drug Lord at anak niyang si Kerwin Espinosa mula sa pagtatago nito sa Abu Dhabi. Sigurado ako, manlalaban din iyon!

Kailan lang ay umamin na si Aling Leila De Lima kay Mareng Winnie Monsod na totoong naging kalaguyo niya si Ronnie Dayan. Wala daw karapatan ang sino man na husgahan siya at tawaging immoral! Mereseng kasal na tao yung Lalaki niya!

Nanalo na bilang Presidente ng Amerika si Donald Trump! Hindi pa handa ang mga Amerikano sa Babaeng Pinuno! Luhaan si Hillary Clinton. Isang araw pagkatapos madeklara ni Trup ay kabikabila naman ang mga protesta sa iba’t ibang bahagi ng Amerika! Ayaw nila kay Trump! Magaspang daw kasi ang asal! Bastos, Racist, at Baboy ang patungo sa mga kababaihan! Balot ng takot ang mga TNT ngayon! Hindik ang mga mangagawa sa mga Call Center! Ayan na!

Tuloy tuloy na ang pagtatanghal ng 65th Miss Universe Pageant dito sa Pilipinas! Gaganapin ang nasabing Patimpalak ng Pagandahan sa Enero sa susunod na taon! Abala na ang mga kapatid sa pananampalataya! Galgal na ang mga bibig sa kaka salita! Lahat biglang naging eksperto sa larangan ng Beauty Pageant.

Kailan naman ay kinoronahang Miss International 2016 si Kylie Versoza sa Japan. Kabilang sa Top 15 si Jennifer Hammond sa Miss Intercontinental sa Myanmar. First Runner Up naman si Nichole Cordoves sa Miss Grand International sa US. Samantalang umani ng katakot katok na pagbatikos si Imelda Bautista Schweighart sa kaliwa’t kanang kontrobersiya na kanyang kinasangkutan ng ganapin dito sa Pilipinas ang Miss Earth 2016!

Nasunog yung mga bahayan sa may Creek sa Baranggay Tagumpay nuong Linggo! Isang bata ang nasawi. Nakalulungkot naman.

Bukas naman malalaman na kung sino kina Cornillo “Yong” Muhajil at Marydale “May May” Entrata ang makakakuha ng 3rd Lucky Sun o kung sino ang mapapabilang sa Big 3 nang Lucky Season 7 ng Pinoy Big Brother Teen! Aktibo akong nakilahok sa pagsusulong kay Yong bilang siyang karapatdapat! Malaki ang paghanga at tiwala ko sa kanya.

Kahapon ay isinaayos ko ang akig FB Account. Handa ko na iyong iwanan bilang ako. gagamitin ko na lamang iyon sa ibang paraan, sa ibang dahilan! Dito na ako mananatili! Dito kung saan ako ay matatahimik. Dito ako maglalagi sa aking tunay na tahanan. Sa Isang Ligtas na Lugar!

Page 584

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s