CHAPTER THE SEVENTH

Sa Kanyang Huling Hantungan

In Mga samut saring chika nang aking pusong naglilista on Nobyembre 18, 2016 at 11:40 hapon

huling-hantungan

Pangal nanaman marahil ang bibig ng mga Fans ni Benigno Simeon sa biglaang paglibing kanina kay Ferdinand Edralin Marcos! Sigurado akong hindi mapakali ngayon sina Eta Rosales, Franklin Drilon, Kiko Pangilinan, Jim Paredes, at Cynthia Patag sa tinagurian nilang “Palihim o Panakaw” na Paghimlay sa Dating Presidente!

Ayon sa mga nagpoprotesta ngayon sa mga kalsada, na karamihan ay mula sa mga Elitistang Unibersidad, hindi raw nararapat ang dating Strongman na mailibing sa Libingan ng mga Bayani! Nagnakaw at pumatay raw kasi! Marami raw ang nag dusa. Kasuklam suklam raw!

Bilang hindi naman ako eksperto sa Larangan ng Kasaysayan at Pulitika, hindi na ako mag kokomento pa tungkol sa kung nararapat ba o hindi na mahimlay si Macoy sa Libingan ng mga Bayani. Ang sa akin lamang ay: Tama na! Patahimikin na natin siya, Hayaan na natin siyang pagpahinga sa kanyang Huling Hantungan!

Sa ibang balita naman, nakarating na kanina sa bansa ang Drug Lord na si Kerwin Espinosa! Bantay sarado siya ngayon ng mga Pulis! Nakapiit siya sa Camp Crame. Pati si General Bato Dela Rosa ay siniguro ang kanyang seguridad!

Ayon kay Chief PNP, makikipagtulungan daw si Kerwin sa mga otoridad. Makikipag cooperate raw siya sa mga imbestigasyon. Magbibigay raw siya ng mga pangalan. Handa raw siyang isiwalat ang mga taong sangkot sa paglaganap ng droga sa bansa! Papangalanan raw niya ang mga nakinabang sa Drug Money, kabilang na ang mga malalaking tao sa Gobyerno, Pamamahayag, at PNP!

Hindi na rin mapalagay si Aling Leila De Lima. Isasangkot raw siya! Idadawit daw ang kanyang walang bahid dungis na pangalan! Malinis daw ang kanyang pagkatao! Hay. Saan kaya hahantong ang eksenang ito?

Para naman sa personal na balita, may dati akong estudyante sa Roosevelt College Marikina. Dati ay hinangaan ko siya sa kanyang angkin na dunong. Hindi na ako nagulat ng malaman kong nakapag aral siya sa Ateneo De Manila University. Ilang taon ko rin siyang nakagiliwan sapagkat mabait naman siyang bata.

Ngunit, biglang nag bago ang lahat nang mapansin kong sa kada may kuro kuro o opinyon akong pabor sa kasalukuyang Gobyerno at sa tuwing papuri ang namumutawi sa akin para kay President Rodrigo Roa Duterte ay panay na ang kontra niya sa akin.

Iniwasan ko na siya upang wala na sanang sagupaan na maganap. Ngunit ngayon araw ay sinagad niya na ang aking pasensiya.

Nag-iwan ako ng aking mensahe tungkol sa pagkakahimlay ni Ferdinand Edralin Marcos sa isang Public Forum nang bigla na lang niya akong winalanghiya! Kinuwestiyon niya ang aking dunong at katinuan! Nagulat ako! Muntik na akong panawan ng ulirat sa sobrang pagkagulat! Ano na ang nangyari? Akala ko ba ay henyo ka? Iyan ba ang natutunan mo sa Ateneo? Ingrato!

Pang huli, hindi nakuha ni Cornelio “Yong” Muhajil ang 3rd Lucky Sun!

Page 585

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s