CHAPTER THE SEVENTH

Sa Pagtatapos ng Isang Laban

In Mga hinagpis nang aking pusong nalulumbay on Nobyembre 19, 2016 at 1:35 umaga

sa-pagtatapos-ng-laban

Agad na akong tumayo mula sa aking kinauupuan at tinanggap ang tawag sa telepono nang isa kong dating estudyante na nakikibalita tungkol sa pang wawalanghiya sa akin nang isang Atenistang ubod ng dunong!

May panahon na kasi akong makipag huntahan sapagkat hindi ko na tinapos pa ang panonood ng Pinoy Big Brother kahapon ng gabi nang hindi matawag si Cornillo “Yong” Muhajil bilang siyang nag ma-may ari nang huling puwesto o 3rd Lucky Sun! Binalot na kasi ako ng matinding lumbay!

Oo, magiging biased ang post na ito! Alam kong hindi mainam na magsulat kapag namamayani ang galit sa puso ng isang may akda! Ngunit kailangan kong mailimbag ang lahat nang aking saluobin ngayon. Hindi mamaya, hindi bukas! Hindi ko gustong humupa muna ang aking damdamin bago ilahad ang aking nararamdaman. Bukod sa lungkot, ako ay nanghihinayang, at nagagalit!

Malungkot ako sapagkat hindi nabigyan nang pagkakataon si Yong Muhajil na manatili pa sa PBB House at mapabilang sa 3 Lucky Teen Housemates na siyang may chansang kalaunan ay maitanghal na Big Winner at makapag uwi ng papremyong salapi. Kuwalta, na sa aking palagay ay malaki ang maitutulong kay Yong at sa kanyang pamilya!

Malungkot ako sapagkat ako’y isang taga hanga! Sa simula’t simula pa lamang ay hindi ko na itinatago ang aking pagsuporta kay Yong Muhajil! Maka ilang beses na rin akong nag sulat ng ilang artikulo pabor at depensa sa tinaguriang Pag-a-Son ng Angkan ng Zamboanga!

Nagbuhos ako ng damdamin sa pamamagitan ng letra nung panahong tinawag si Yong na mahina ang isip. Nanawagan rin ako sa mga naniniwala at sumusuporta kay Yong nuong panahong kailangan niya ng ayuda para makalikom ng sapat na boto para mailigtas siya mula sa pag papaalis sa Bahay!

Ginawa ko ang mga nabanggit sapagkat malaki ang tiwala ko sa kakayanan ni Yong!

Nanghihinayang ako sapagkat minsan lang magkaruon nang isang tulad ni Yong sa isang Reality Show na tulad ng Pinoy Big Brother! Minsan lang at pinalampas pa! Sayang!

Nanghihinayang ako sapagkat si Yong ang tipo nang kabataan na gugustuhin nang sino man na maging Kaibigan, Kamag-aral, Estudyante, Pamangkin, Pinsan, Kapatid, o Anak! Isa siyang maganda at mabuting ehemplo para sa mga kabataan! Lalo na para sa mga kabataang ngayon! Ngayong henersayon ito!

Simpleng bata na may matayog na pangarap para sa pamilya si Yong! Kita sa kanyang kilos at pananalita ang sinseridad niya sa kanyang layunin! Masipag at marunong makisama! Magalang at rumerespeto sa kababaihan! May kahinaan? Oo! Tulad nating lahat! Ngunit ang kahinaang pilit na ikinakabit sa kanyang pangalan ay napupunuan naman ng tapang ng kanyang puso! Pusong handang lumaban at mag sakrispisyo sa ngalan ng pamilya! Iyan ang dapat na maging halimbawa ng mga Kabataang Pinoy!

Nagagalit ako sapagkat hindi naging malinaw sa simula pa lang ang patakaran ng pamunuan ng Pinoy Big Brother sa proseso kung paano tatakbo ang botohan! Maka ilang ulit na naantala ang pag anunsiyo nang kung sino ang pasok sa Top 3! Pinahaba naman masyado ang botohan! Pinagkakitaan naman ng husto ang taong bayan! Matindi!

Nagagalit ako sapagkat nakita ko mismo kung paano nagkumahog ang mga supporters at pamilya ni Yong para makalikom lamang ng pondo para gastusin sa pagboto! Nakita ko mismo kung ilang gabing nagpuyat ang lahat ng naniniwala kay Yong upang mapalaki lamang ang kanyang chansang mapabilang sa Top 3! Nakita ko mismo kung paano nagkaisa ang mga kapatid nating Muslim dito at sa ibang bansa! Nakita ko! Naramdaman ko!

Nagagalit ako sapagkat pakiramdam ko ay nabalewala ang lahat ng efforts ng lahat ng mga taong nag mahal kay Yong Muhajil! Nagagalit ako para sa lahat ng mga naagrabyado! Para sa lahat ng mga napagod, nagpuyat, at gumastos!

Ipagpaumanhin na ninyo, ngunit pinagbibintangan ko ang ABS-CBN at Pinoy Big Brother na nangdaya! Minanipula nila ang botohan upang mapaboran ang isang kalahok na mas napupusuan nila! Marahil kasi, iyong Kalahok na iyon ay ang mas magtatabo sa kanila ng mas malaking kuwalta! Nang mas malaking kita! Sa totoo naman din kasi, pera pera rin lang naman ang lahat ng iyan!

Sabi nga nila, dito sa Pilipinas, walang natatalo! Lahat lamang ay nadadaya! Palagay ko nga!

May dahilan ako upang maniwala sa aking bintang! Kilala ang ABS-CBN sa pagiging Biased at mapag Manipulate ng datos! Call me a Sore Loser but I stand with my belief! Salamat!

Sa pagtatapos ng Isang Laban na ito, marami akong aral sa buhay na napulot! Una sa lahat ay ang aral na ibinahagi ni Yong sa ating lahat! At iyon ay ang: Pag mamahal sa Pamilya at ang pagharap sa laban sa kabila ng kakapusan at kahinaan!

At aral sa buhay ko rin matuturing ang makasalamuha ang mga Kapatid na Muslim dito at sa ibang panig ng mundo! Natutunan ko na ang mga Muslim pala ay mga taong marunong tumanaw ng utang na loob, marunong magpasalamat, marunong umunawa, marunong magtiwala, marunong magkaisa, at higit sa lahat: marunong magmahal sa kapwa!

I say goodbye now to PBB Lucky Season 7 and to the Fan Club that I trusted. Maraming salamat sa inyong lahat!

Assalamu alaikum.

Page 586

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s