CHAPTER THE SEVENTH

Ayon kay Ronnie Dayan

In Mga sigaw nang aking pusong makabayan on Nobyembre 23, 2016 at 12:01 umaga

ronnie-dayan

Nahuli na si Ronnie Dayan! Nadakip siya bago mag ala una nang tanghali kahapon sa La Union. Si Ronnie Dayan yung Dating Driver, Security Aide, Bagman at Ex Lover Boy for 7 years ni Aling Leila De Lima! He was presented to the public by General Bato Dela Rosa late in the afternoon of November 22, 2016 Tuesday!

Ayon kay Ronnie Dayan sa panayam sa kanya nang Media na ginanap sa Batasang Pambansa at ipinalabas naman Live sa CNN Philippines at around 8:40 PM kahapon: Paghahandaan daw niya ang hearing set on Thursday. Magpapalakas muna daw siya para masagot niya ang mga itatanong sa kanya ng mga Mambabatas! Wala pa daw siyang Abogado pero bibigyan daw siya ni Congressman Umali.

Nuong panahon na nagtatago raw siya ay never siya kinontak ni Aling Leila De Lima. Miski isang text daw ay wala siyang natanggap. Miski sinong Emissaryo ay walang lumapit para magpadala ng tulong. Pina text daw niya ang kanyang anak kay Aling Leila De Lima para humingi nang Financial na tulong kasi halos hindi na raw siya makakain pero hindi siya nire-replyan! Medyo masama daw loob niya sa nangyaring pang iisnub sa kanya niAling Leila De Lima!

Sa hearing na lang daw niya sasagutin ang tanong na: “Bakit kayo nagtago?” Hindi na raw niya maalala kung kailan ang huling text sa kanya ni Aling Leila De Lima. Gusto pa daw niya sanang umattend nang hearing nung matanggap niya ang unang subpoena sa kanya, yun daw ang huling text niya kay Aling Leila De Lima.

Hindi raw niya napanuod or narinig ang lahat ng akusasyon laban sa kanya during the hearing sa House of Representatives. Sa tanong na kung mag te-testify ba siya against his former lover, sagot ni Dayan: “Kung ano ang itatanong sa akin nang Kongreso, yun ang sasagutin ko.” Sabay ngiti!

Hindi pa raw siya nilalapitan o nakakausap ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre kung gusto niya mag Witness against Aling Leila De Lima. At kung sakali, pag iisipan pa daw niya. Sa Huwebes na lang daw siya mag dedesisyon.

Bago daw siya mahuli ay walang miski sinong tao sa Gobyerno ang kumausap sa kanya. Wala naman daw siyang natatanggap na Death Threats. Taliwas sa sinabi ni Aling Leila De Lima na may nag tatangka sa kanya buhay kaya siya nagtatago.

2007 daw nang maging Bodyguard siya ni Aling Leila De Lima hanggang sa magkaruon sila ng relasyon. Tumagal daw ng pitong taon ang kanilang pagmamahalan! 2007 daw ay nasa Law Firm pa sila. Nasa CHR si Aling Leila De Lima. Hindi raw siya nakapagtapos ng College. High School Graduate lang daw siya! Nagtrabaho rin daw siya dati bilang Private Driver sa Makati.

Hindi pa raw niya masasagot kung po-protektahan ba niya ang kanyang Ex Lover.

Sa isyu tungkol sa Droga, hindi raw siya nag take or nag benta ng Drugs! Ayaw daw talaga niya ng Drugs! Gawa gawa lang daw yung pagkakadawit sa kanya sa usapin tungkol sa Droga! Hindi raw totoo na nag benta siya ng Isang Kilong Droga! Hindi pa daw niya nakikita si Magleo (Ex-PNP Officer Rolando Magleo, convicted of kidnapping in 2004) sa Bilibid!

Wala daw siyang tinanggap na Drug Money galing sa mga Drug Lords na nasa loob ng Bilibid, pero meron daw siyang tinanggap na salapi mula kay Kerwin Espinosa. Para raw kay Aling Leila De Lima yung kuwalta.

Nagsimula daw siyang tumanggap ng pera mula kay Kerwin Espinosa nuon pang 2014 bago mag eleksyon o bago mag desisyon si Aling Leila De Lima na tumakbo bilang Senador. Limang beses daw siyang kumubra ng salapi!

Nag resign na daw siya kay Aling Leila De Lima nuong 2015! Hindi daw niya binibilang kung magkano ang ibinibigay sa kanya. Basta kapag natanggap na niya yung kuwalta na nasa loob ng bag ay inilalagay na niya sa sasakyan at iniaabot kay Aling Leila De Lima pag dating sa bahay nila! Siguradong alam daw ni Aling Leila De Lima yung laman ng bag sapagkat siguradong binubuksan at titignan niya ang laman niyon!

Nang hingan ng mensahe para sa kanyang Ex Lover, ang sagot niya ay: “Wala akong masabi eh.”

Sa tanong na: “Paano mo kinuha kay Kerwin yung pera, kilala mo ba iyon?” Ang sagot ni Ronnie Dayan ay: “Iyon lang po ang utos ni Ma’am eh. Kaya susunod lang po ako sa utos.”

Mag live in daw sila sa loob ng 7 years! Sa isang bahay lang daw sila nakatira.

Bilang sagot sa statement ni Aling Leila De Lima na sana raw ay tratuhin siya ng maayos nang mga authorities at concerened parin siya sa kanya, kinikilig at naka ngiting sumagot si Ronnie Dayan nang: “Magpaka tatag siya. Labanan niya yung mga ibinabato sa kanya.”

Page 590

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s