CHAPTER THE SEVENTH

Ang Panlalapastangan kay Ping Medina

In Mga batikos nang aking pusong nag aalab on Nobyembre 30, 2016 at 7:37 hapon

ang-panlalapastangan-kay-ping-medina

Halos isang linggo rin akong walang internet! Pumalya nanaman kasi ang serbisyo ng SKY Broadband dito sa aming lugar sa Project 4! Pangalawang beses na itong nangyari in a matter of 6 months! In between, madalas ring mabagal ang connection. Lalo na sa gabi! Nawawalan rin nang internet kapag umuulan! Oo, you read it right! Kapag umuulan! Walang internet the moment it starts raining! Takot yata ang internet ng SKY Broadband na mabasa! Maiintindihan ko pa na walang internet sa gabi eh, pero yung mawawalan ng connection kapag umulan? Ang laking kalokohan hindi ba?

Actually, ang pulpol at walang ka-kuwenta kuwentang serbisyo rin nang SKY Broadband dito sa Project 4 Quezon City ang pangunahing dahilan kung bakit madalas akong magkaroon ng cancelled slot sa Bizmates dati! Dumating pa nga ang panahon na pinilit ko na lang na makapag turo habang pupugakpugak na talaga ang internet para lang kumita ng kuwalta! Ang resulta, nag complaint ang student ko dahil sa sama ng connection at ang pinaka masaklap pa ay na suspend pa ako nang tatlong araw! Ang lakas talaga makasira ng kabuhayan ang SKY Broadband! Terrible!

Gustong gusto ko na rin sanang magpalit ng Service Provider. Kaya lang, wala pa raw available cabinet ang Globe dito sa aming street! Kaya, ito ang ending ko! Ang magtiis sa dalamhati! Kawalanghiyaan talaga! Kung may choice sana akong iba!

By the way, hindi lang serbisyo nang SKY Broadband and basura, pati Customer Service nila ay mala burak din! Naandiyang kapag tumawag ka dahil may problema nanaman sa connection ay papangakuan kang may papupuntahing Technician sa bahay ninyo. Mag ka-cancel ka ng lakad, aabsent ka sa trabaho, mag aantay ka buong araw, ending – nga nga! Walang darating!

Tatawag ka ulit the next day, natural na magagalit ka, hihingi ka ng explanation, ipapatawag mo ang Supervisor, and ending sasabihin sa iyo na ifa-follow up na lang, walang Supervisor, at ang malala pa: ha-hung up-an ka nang Customer Service Rep na makaka usap mo! Kung hindi naman din talagang kasuklam suklam! Iintindihin mo na rin lang kasi kadalasan, 3rd Party lang naman din ang mga nasa Local Call Center! Pero dahil sa pighati, mapapa mura ka na lang talaga ng “Putang Ina” sa kagaguhan ng SKY Broadband! Juice colored!

Anyway, tanghali ng November 24 nang mawala nanaman ang Internet ng SKY Broadband dito sa Project 4 Quezon City! Tandang tanda ako ang araw kasi nga, 2 days after ay Kaarawan naman ng Sister ko. At dahil nga Birthday niya, hindi ko na siya kinulit pa na tawagan ang SKY Broadband para ayusin ang connection. I guess it was one of the Boarders here ang nagpursige na mag follow up sa kanya at siyang nangulit sa kanya na ipa ayos ang Internet!

Dahil nga Special Day ni Sisteraka, I tried to be very nice to her! Miski imbiyernang imbiyerna na talaga ako sa pagkawala nanaman ng connection ng SKY Broadband dito sa Project 4 Quezon City! I’m sure para pampalubag loob ay biglang nag treat si Sisteraka sa Vikings sa Marikina! Ang alam ko kasi mag luluto lang talaga siya ng Spaghetti eh. Yun kasi ang usapan namin a few months ago. Oh well, on the other hand, may ipagpapasalamat parin naman din yata ako sa napaka pangit na serbisyo ng SKY Broadband! Che!

From Thursday last week until last night, panay nuod na lang ako ng mga Movies na napirata ko sa Torrentz dati! Pinanuod ko ang lahat ng X Men series, Chronicles of Narnia, at ang pinaka huli ay Independent Film na Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros! Pak! Nakakatuwa talaga si Maxi! Nakaka in love si Kuya Victor! At nakaka mangha naman ang supporta nila Mang Paco, Kuya Boy, at Kuya Bogs para sa dalaga nila! Ang saya!

So, napanuod ko pang gumanap sa nabanggit kong Indie Film si Ping Medina bago mapabalita kahapon ang encounter niya kay Baron Geisler! Grabe!

Siyempre, my sentiments goes to Ping! Bukod sa fan niya ako ay mahal ko rin si Alex! Ayan na! Seriously, kabastusan talaga ang ginawa nni Geisler! Walang modo! Bastos! Hindi gawain ng tunay na Alagad ng Sining ang inasal niya! Nagpaalam naman daw, pero bakit siya lang ang may alam? Yung Co-Star at Direktor niya parehong nagulat! Baka naman kasi lango nanaman sa alak si Geisler? Naku, Liza Diño-Seguerra, gawan ninyo nang paraan na madisiplina yang si Baron Geisler!

Hindi katanggap tanggap ang panlalapastangan kay Ping Medina!

Page 592

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s