CHAPTER THE SEVENTH

Graciano Lopez Jaena Elementary School

In Mga salaysay nang aking pusong nag babalik tanaw on Disyembre 1, 2016 at 8:09 hapon

graciano-lopez-jaena-elementary-school-jaro-iloilo

Nakahanap na naman ako ng isang magandang alibi! Ipinagpaliban ko nanaman ang isang lakad na matagal ko ng balak isakatuparan. Isang lakad na siya sanang magiging kasagutan o solusyon sa isang suliraning aking kinahaharap sa kasalukuyan. Simula kasi ng dumating ang mga taga Baras dito sa Project 4 nung Lunes ay wala namang ibang nag aasikaso sa Kusina kundi ako rin! Official Cook! Taga Luto! Kusinera! Infact, may naka line up na akong lulutuin bukas ng tanghali! Sarado naman nang weekends yung lugar na aking darayuhin! Kaya malamang, next week na talaga ako makaka alis! Maña habit lang ba ito or Procrastination na? Either way, chaka parin! Hmp!

Anyway, nang matapos ko na ang mga obligasyon ko sa kusina kaninang tanghali ay hinarap ko na ang isang mahalagang gawain: ang mag internet! Binisita ko ang Blog ni Miss Olga Luxuria, na-aliw naman ako dahil ang dami niyang mga bagong posts! Binasa ko rin yung interview kay Baron Geisler sa PEP.com, kasalanan daw ni Arlyn Dela Cruz ang lahat nang mga nangyari between him and Ping dahil incompetent daw ito. Nag check din ako ng email, ang sarap i-mark as read lahat nung emails! I also checked my Upwork Account, may isang invitation that I declined kasi beyond my expertise yung trabaho. I also read some articles about World AIDS Day, edited some photos, watched videos in YouTube, consulted Dr. Arjo and Dr. Van, checked out Pinterest, Instagram, Missosology, Misterology, and Tom’s Page of Miss Universe Mania! At siyempre, nag babad din ako sa FB! Ang sipag ko diba? Ito na talaga ang Procrastination! At it’s finest! Boom!

Habang nakababad ako sa Facebook ay may isang larawan akong nakita at isang post na nabasa sa feed ko kanina na nagpa gitla sa akin nang walang habas! It was a photo taken yesterday during the protest against the Burial of Marcos sa Libingan ng mga Bayani. Sa litrato, may isang Protester na may hawak na placard. Ang nakasulat duon sa placard ay: “Nutribun is a lie! Marcos is not a Hero!” Ayan na! Hindi raw Bayani si Ferdinand Edralin Marcos! Sige na nga! Hindi na nga Bayani! Pero teka, kasinungalingan daw ang Nutribun? Halos panawan ako ng ulirat! Literal ba ang meaning niya nun or may iba siyang kahulugan? Bilang mangmang lang din naman ako at hindi nakapag aral sa malaking Unibersidad, I took it literally! So, kung lie pala ang Nutribun, eh ano pala yung ibinibigay sa amin ng mga kaklase ko nuong nasa Elementary ako? Naku ha! Maling mali ang akusasyon! Hindi napag aralan mabuti! Wala sa mga ipina memorize! Kabulaanan talaga! Ang tindi ng galit kay Marcos kaya pulpol ang bintang sa patay! Juice ko po Nanay!

Ito na ang kuwento. Sampung taong gulang ako nang umalis kami mula sa Capipiza Tanza Cavite at tumira naman sa Burgos Street Jaro Iloilo. The year was 1985!  Nag aral ako nuon sa isang Pampublikong Paaralan na malapit sa bahay. Graciano Lopez Jaena Elementary School ang pangalan ng paaralan. Duon ako nag Grade 3. Section 1 ako nuon! Class Adviser ko si Mrs. Salvilla! Siya rin ang teacher namin sa Math and Science. Best Friend ko naman si Salih Tahil. Pareho kaming transferee sa school na iyon. Madalas kaming magkasama. Favorite kami ni Mrs. Salvilla. Paborito niya kaming utusan na manghuli nang mga daphnia sa isang creek na malapit sa school. Ang mga nakolekta naming daphnia ay ipinapakain naman namin sa mga Gold Fish. May isang malaking Aquarium kasi kami dati sa loob ng aming classroom!

Kung meron akong Best Friend ay natural na meron din akong Best Enemy! Lagi kong kaaway nuon si Janine Reynolds. Madamot kasi si Janine! Ayaw niyang magpahiram ng ballpen! Bukod sa pagiging maramot ay pala away din si Janine. Ka babaeng tao eh ang hilig makipag away sa mga kaklase naming lalaki! Madaya rin sa mga laro si Janine! Madalas niya kaming gulangan sa Chinese Garter at Touch the Body out! Pak!

Isa pa sa mga magaganda ala ala ko sa Graciano Lopez Jaena Elementary School ay iyong pagkatapos ng Flag Ceremony, Calesthenics, at nang Morning Prayer, at bago naman mag simula ang klase namin sa umaga, parati kaming kumakanta ng: “We plant you deep in a rich brown soil, Grow little seedling grow.” Tuwing may school programme naman ay madalas din akong pinapakanta ng: “Ako ay Pilipino” nang aking Music Teacher na si Mrs. Moises. Si Mrs. Moises din yung may hawak ng Boy Scout at Drum and Bugle Corps sa paaralan namin nuon! Dahil din kay Mrs Moises ay nakahiligan ko ang sumali sa mga programa sa paaralan! Super active ako noon sa mga school programs dati miski na super payatot ako!

Dahil din siguro sa pagiging napaka sexy ko nuong bata ako kaya isinama ako sa listahan ng mga tatanggap ng Nutribun! Libre lang yun! Ang siste, bago pa man tumunog ang bell for recess ay pinapupunta na ako at nang ilan sa mga kaklase ni Mrs. Salvilla sa Canteen. Pipila na kami duon. Then bibigyan kami ng dalawang pirasong Nutribun! Mainit init pa yun kapag ibinigay sa amin! Kaya para hindi mapaso, lagi akong may bitbit na supot na papel. Masarap ang Nutribun! Medyo matamis, magatas, maalat, at mabigat sa tiyan! Isang piraso pa lang ay talagang busog ka na! Minsan nga, isa lang duon sa dalawa ang kinakain ko kapag recess, then iuuwi ko naman yung tira! Kapag lumamig na, medyo flakey yung balat pero malambot parin yung laman. Madalas, may ka partner na maninit na Gatas yung Nutribun sa school! Klim yung tawag duon sa gatas! Kada linggo, binibigyan din kami nang Gatas na naka balot pa. Inuuwi namin iyon para matimpla sa bahay. Masarap yung gatas miski medyo maaligasgas at mahirap tunawin. Pinapapak ko rin yung gatas kapag walang meryenda!

Minsan naman kapag may naipon akong pera, bumibili ako ng bukayo at pastillas sa kaklase kong si Maritina Ginansiya. Ipinapalaman ko yung bukayo at pastilas sa Nutribun! Iniimagine kong Coco Jam at Keso yung mga iyon! Masarap naman siya in all fairness! Kapag luma na at tumigas na yung Nutribun, ibinibigay ko ang mga iyon kay Tito Digol! Ginagawa kasi niyang pakain sa kanyang mga alagang Korean Bugs ang lumang Nutribun! At sa tuwing may naibibigay akong lumang Nutribun sa kanya, may kapalit iyong chichirya! Kaya happy ako! So, kung tutuusin, napaka laki nang aking naging pakinabang sa Nutribun ni Marcos! So, paanong naging kasinungalingan iyon?

Ayan na!

Page 593

  1. Hindi literal ang ibig sabihin ng “Nutribun is a lie”. It is a play on a popular catchphrase “the cake is a lie” na nakikita rin sa ibang mga memes. “The cake is a lie” – google it for more information.

    I am familiar with the nutribun. It was a project of the USAID during the 1970s.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s