CHAPTER THE SEVENTH

Nag resign na raw si Aling Leni

In Mga samut saring chika nang aking pusong naglilista on Disyembre 5, 2016 at 7:56 hapon

nag-resign-ba-o-sinibak

Aling Leni Robredo! Nag resign na raw si Aling Leni Robredo bilang miyembro nang gabinete ni President Rodrigo Roa Duterte. Nagbitiw na siya bilang Chairperson ng Housing and Urban Development Coordinating Council. May nagtatangka raw kasing nakawin ang posisyon niya bilang Bise Presidente. Marami raw silang pagkakaiba ni Digong at siya naman raw ay nagtrabaho nang maayos. Ngunit dahil nakatanggap na siya nang payo, sa pamamagitan ng text message, mula kay Cabinet Secretary Jun Evasco Jr na huwag nang dumalo sa mga Cabinet Meeting, at hindi na niya magagampanan ang kanyang trabaho, minabuti na raw niyang mag resign. Ah, okay.

Aling Leila De Lima! Nang galaiti sa galit, nag asal palengke, at nag sisisigaw si Aling Leila De Lima nang: “Do not argue with me!” habang dinuduro duro si Chief PNP Bato Dela Rosa sa Senate hearing ugnay ng pagpatay kay Albuera Mayor Rolando Espinosa Jr kanina. Halos lumuwa ang ngala ngala ni Aling Leila nang kastiguhin niya si Bato dahil hindi agad isiniwalat nang huli na si Digong pala ang nagpa reinstate kay Supt. Marvin Marcos sa CIDG-XVIII. Ito ay matapos itong tanggalin dahil sa pagkakasangot sa kalakalan ng droga at sa pagtanggap nang kuwaltang galing sa droga! Ayan na!

Coraleen Waddell! May tama din naman si Coraleen Waddell nang pagalitan niya si Baninay Bautista sa PBB. Ito ay pagkatapos nang kanilang weekly task kung saan nilapastangan ni Baninay ang pagkatao ni Cora sa pamamagitan ng Cheer sa kasagsagan nang kanilang laban! Kinutya kasi ni Baninay ang katawan at arte ni Cora! Tinawag na hukluban, lasenggera, at walang suso si Cora! Bilang asal Madame din naman itong si Cora, hindi niya pinalampas ang kayabangan at pangdudusta ni Baninay! So, nung magkita sila ulit sa loob ng bahay, ayun at talagang bi-nully ni Cora si Baninay! Napaka sungit talaga ni Waddell! May problema din sa asal! Pero, tama lang din naman ang ginawa niya kay Baninay para matuto! Arte artihan kasing bata at siyang magliligtas sa mundo! Tsk!

Inday Joanna Eden! Talunan si Joanna Eden sa Miss Supranational 2016 na ginanap nuong December 3! Si Srinidhi Shetty ng India ang nanalo! Hanggang Top 25 lang ang inabot ni Inday Joanna! Ang chismiss nang mga Pageant Fans, dahil lang di naman sa Fan Votes sa Social Media yun kaya siya nakapasok sa Top 25. In other words, walang effort man lang galing kay Inday Joanna Eden! Actually, yun din ang observation ko eh. Parang hindi siya talaga lumaban nang maayos. Nag bakasyon lang talaga sa Warsaw Poland! Pati pag rampa niya kung saan saan humahampas! Walang kalidad! Hay naku!

Nasa kaliwa ko ang aking pinsan na si Maxie habang kami ay nakatayo sa gilid nang isang bakal na tulay. May hawak akong kulay itim na net. I cast the net into the water. I pulled the net back and was able to catch 3 small fishes. I cast the net again and got 2 more. May binulong sa akin yung pinsan ko. Ang pagkaka intindi ko ay nag tanong siya kug bakit maliit lang yung mga nahuhuli ko. I looked infront of me. May nakita akong banyera ng mga isda na mukhang transparent at mukhang madulas. Then I cast the net again, biglang may humila sa net na hawak ko. I pulled the net. Nahirapan ako. But when I was finally able to get it out of the water, laking gulat ko nang may nahuli akong isang maliit na isdang silver at isang napaka laking isdang itim! I was so happy. I sliced one portion of the huge fish and gave it to my cousin. Hanashima!

Pupugak pugak nanaman ang internet connection ng SKY Broaband dito sa Project 4 Quezon City! And dahilan? Umulan! Oo, umulan! Umulan kaya wala nanamang internet connection ang SKY Broadband! Kaya kung ikaw ay nag babalak na pagpakabit nang SKY Broadband, mag isip isip ka na. Gusto mo bang mawalan ka ng internet dahil lamang sa ulan? Madalas masira ang connection nang SKY Broadband. Suwerte na kung maibabalik iyan sa loob ng isang oras! Kadalasan, aabot nang mahigit isang linggo ang interuption! Then, pinaka malala pa, babayaran mo iyan ng buo! Pangit ang serbisyo ng SKY Broadband! Napaka pangit nang serbisyo nang SKY Broadband! Walang kuwenta ang serbisyo ng SKY Broadband! Walang habas!

Page 596

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s