CHAPTER THE SEVENTH

The Author

header-up-right-2016The Author 2010Daniel Peña Yuson Jr. Iyan ang pangalan nang may akda nang blog na ito! Si Daniel Peña Yuson Jr. ay minsan lamang lumabas nang kanyang tahanan upang makisalamuha sa ibang tao! Kung siya ay iyong makikita, mas mainam na siya ay iyong iwasan! Iwasan mo siya sapagkat maaari ka niyang hilingan na mag kuwento nang tungkol sa iyong buhay!

Ipinanganak si Daniel Peña Yuson Jr noong parehong buwan at araw nang kapanganakan din ni Harry Houdini ngunit sa taon kung kailan ginanap naman ang laban nina Muhammad Ali at Joe Frazier dito sa Pilipinas! Ibig sabihin, maaaring pinanganak siya nang mas una at maaari ding pumanaw nang una sa iyo!

The Author 2011

2011

Lumaki si Daniel Peña Yuson Jr. sa iba’t ibang bahagi nang Pilipinas! Siya ay nanirahan sa Project 4, Siyudad nang Quezon malapit sa isang Pampublikong Ospital na ipinangalan sa isang dating Presidente ng Pilipinas! Nanirahan din siya nang saglit sa Gapan, Nueva Ecija sa isang lumang bahay na may kiskisan nang palay na kung saan tore na lamang ang makikita sa kasalukuyan. Tumira din nang halos dalawang taon si Daniel Peña Yuson Jr sa Miag-ao, Jaro at Pototan sa Probinsiya nang Iloilo! Nanirahan din si Daniel Peña Yuson Jr. sa  may tabing dagat ng Capipiza, Tanza sa Probinsiya nang Cavite. May ilang taon ding nanirahan si Daniel Peña Yuson Jr. sa Project 3, Siyudad nang Quezon malapit sa kumbento at sa isang pang lugar kung saan may puno ng sampalok sa gitna ng kalsada. At mahigit sa limang taon din siyang nanirahan sa  malinis ngunit napaka masalimuot na lugar sa Malanday, Lungsod nang Marikina!

The Author 2012

2012

Dating nagturo si Daniel Peña Yuson Jr. sa isang pribadong paaralan na ipinangalan daw sa Pangulo nang Estados Unidos noong panahon nang ikalawang digmaang pandaigdig! Sa paaralan na iyon umikot ang buhay ni Daniel Peña Yuson Jr. nang mahigit isang dekada! Sa loob nang mahigit isang dekada, pinag tuunan nang pansin ni Daniel Peña Yuson Jr. ang paghulma sa talento sa pagtatanghal nang kanyang mga estudyante! Itinatag ni Daniel Peña Yuson Jr. ang grupong Teatro Centenario! Isinadula nang mga miyembro nang nasabing grupo ang: The Soul of the Great Bell, Ang Paglilitis ni Mang Serapio, New Yorker in Tondo, at Sa Pula, Sa Puti! Minahal ni Daniel Peña Yuson Jr. ang Teatro Centenario at lahat ng mga miyembro nito!

Sa sobrang pagmamahal ni Daniel Peña Yuson Jr. sa mga alagad ng sining, at dahil na rin sa pagsasabi nang malupit na katotohanan, siya ay sapilitang pina-alis sa paaralang kanyang pinag lingkuran nang mahigit isang dekada! Kasabay nang kanyang pag alis ay ang pag nakaw sa kanyang mga pangarap at pagyurak din sa kanyang dangal!

The Author 2013

2013

Mula sa pagtuturo ay pumasok bilang isang Call Center Agent sa isang BPO malapit sa ilog ng Marikina si Daniel Peña Yuson Jr. Nagsimula sa pagiging Ahente, di kalaunan ay naging Sales Verifier, Sales Coach at Product Trainer si Daniel Peña Yuson Jr. Makalipas ang dalawang taon at dalawang buwan na pagtatrabaho sa nasabing Call Center, kinailangang tumigil pansamantala si Daniel Peña Yuson Jr. sa pagbabanat nang buto upang pagtuunan nang pansin ang kanyang kalusugan.

Habang nagpapahinga, nag desisyon si Daniel Peña Yuson Jr. na simulan ang Blog na ito upang maibahagi niya sa nakakarami ang mga aral na kanyang natutunan sa buhay!

The Author 2014

2014

Halos kasabay nang madugong hostage taking sa Quirino Grandstand Rizal Park sa Lungsod ng Maynila, kung saan ilang Hong Kong Nationals ang nasawi sa pag aamok ni Rolando Mendoza, nag trabaho muli si Daniel Peña Yuson Jr. sa isang Call Center sa may Araneta Coliseum. Sa nasabing Call Center naipamalas ng may akda ang kakayanan niya bilang Sales Agent ng isang Telco Services sa Bansang Canada. Makalipas ang pitong buwan nag desisyon si Daniel Peña Yuson Jr. na umalis upang iwasan ang isang lider na mapang-abuso ng kapangyarihan.  Bumalik si Daniel Peña Yuson Jr. sa Call Center sa may ilog ng Marikina na may hangaring tubusin ang kanyang sarili! Di nag tagal, kinailangan muling umalis ni Daniel P. Yuson Jr. sa naturang Call Center upang makipag sapalaran sa isang lugar sa Lungsod Quezon kung saan matataas ang gusali. Duon nais nang may akda na habulin ang kanyang mga pangarap!

The Author 2015

2015

Sa kasalukuyan, buong tapang na hinaharap ni Daniel Peña Yuson Jr. ang mga hamon na bigay ng bawat araw. Pinag kaka abalahan niya ang pilit na pag bangon mula sa pagkakadapa sa buhay! Gamit ang lahat nang aral na kanyang natutunan, pilit na iniiwasang gawin ni Daniel Peña Yuson Jr. ang kung ano ang tama sapagkat nais niyang gawin ang pinaka mainam! 

Marso nang taong 2015 nang pinagkaitan si Daniel Peña Yuson Jr nang tahanan. Dahil sa mga pansariling pag nanais nang ilan ay kailangan lisanin nang may akda ang bahay na nararapat na sa kanya. Nanirahan si DanielPeñaYuson Jr. at ang kanyang kapatid na babae sa Bambang, Pasig City.

Makalipas ang apat na buwan ay nagbalik si Daniel Peña Yuson Jr at ang kanyang kapatid sa Magat Salamat Street Project 4 Quezon City. At duon parin sila ulit naninirahan hanggang sa kasalukuyan.

2016

2016

Sa kasamaang palad, dahil sa karamdaman ay nahinto na sa pagta trabaho si Daniel Peña Yuson Jr. Sa ngayon ay madalas na lang siya sa loob ng bahay. Nag hahanap ng pagkakakitaan online. 

Umaasa si Daniel Peña Yuson Jr na sana ay magkaruon na siya muli nang pagkakakitaan upang matustusan miski papaano ang pambili niya nang mga gamot niya.

Minsan ay nawawalan na siya ng pag asa at nag nanais na matapos na ang mahabang istorya. Ngunit, kadalasan rin naman ay nagiging maayos ang agos nang buhay sa kabila ng kakapusan.

footer-2016-black-border